Advertisers
LAMAN ng mga pahayagan sa bansa at buong mundo ang banta ng Pangalawang Pangulo Sara Duterte sa buhay ng Pangulong Bongbong Marcos, Unang Ginang Liza Marcos, at Ispiker Martin Romualdez. Muli, nasa gitna ng balita ang Pilipinas, at muli, sa maling dahilan, dahil sa unang pagkakataon nagbanta ang Pangalawang Pangulo na papatayin niya ang nakaupong Pangulo, ang Unang Ginang at Ispiker ng Camara de Representante. Kung sasabihin ko na hindi maganda ang resulta ay parang nagpapatawa ako, ngunit hindi nakakatuwa dahil tinapos niya ang banta sa pagsabing “its no joke.” Patunay ito na may diperensya sa pag-iisip si Sara Duterte at hindi ito maganda para sa bansa. Mas natatakot na ako dahil hindi natin alam ang maaaring gawin ng isang taong wala sa hulog ang pag-iisip.
May diperensya si Sara Duterte sa pag-iisip kaya dapat mangamba ang lahat. Sa opinyon ng abang kolumnistang ito nararapat ang agarang tugon dito at may dahilan ang ginawang pagtigil ng komite ni Kin. Joel Chua. Binigyan daan niya ang imbestigasyon ng NBI, upang hindi gawing dahilan ni SWOH ang hearing nila sa Camara upang upang hindi dumalo sa pagdinig ng NBI. Sapantaha ko tama ang naging hakbang ng Camara. Sa kalaunan hindi pa rin sumipot si SWOH sa NBI.
Tayo bilang mamamayan ay huwag matulog sa pansitan. Walang katiyakan ang kahihinatnan ng isyu ng alitang Marcos-Duterte. ‘Eka nga ng nasirang Referee Cahanding “eyes on the ball” tayo at huwag tutulog-tulog. Kahit ipinapatigil na ng Pangulo ang impeachment ni SWOH, hindi ibig sabihin titigil na ang Camara, lalo na ang mga kasapi sa Makabayan bloc. Batid nila na hindi biro ang binitawan ng Pangalawang Pangulo, at kahit pinahuhupa ang situwasyon ng pangulo. Alam natin na “conflict averse” si Bonget, at dahil dito aapekto tiyak ito sa situwasyong pulitikal natin ngayon. Alam natin ang pwedeng gawin ng Pangalawang Pangulo dahil kilala natin ang ama, ang pamilya ng serial-killer na dating presidente.
Sanay sila sa larong pailalim. Larong patraydor. Siyampre, “to the rescue” ang mga kilalang tagapagtanggol ng Pangalawang Pangulo. Isa dito si Senador Bato dela Rosa na sinabing ang ginawang pagbabanta ni SWOH ay “conditional threat” lang. Hindi dapat palagpasin ang “vocal flatulance” mula kay Bato. Alam natin na pakawala ng kampo ng mga Duterte si Bato. Walang “conditional threat” sa anumang libro, sa anumang batas. Ito ay nanggaling lang sa isip ng senador. Halatang obvious na bahagi ito ng “squid tactics” upang maging magulo ang naratibo.
Kung buhay pa si Cahanding malamang na-pompiyang ka na sa ulo kaya “shut up” ka na rin. Aabutan ka rin ng ICC sa kalaunan dahil si Bato ang pay pakana ng Project Double Barrel. At kahit walang laman ang kukote napapaisip pa rin siya nito. Bilang tuldok, alalahanin natin na maging mapagmatiyag. Ang ulupong kahit kinaret ang ulo ay makamandag pa rin at yan ang dapat natin tandaan. Huwag tayo tutulog-tulog. Pinatunayan ng pangulo na malambot siya at tiyak gagamitin ito ng mga Duterte. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
Namataan ang mga mangingisdang tsino sa Sabina Shoal habang nakatunton tayong lahat sa kaganapan sa Kamara. Patuloy nilang hia-harass ang mga mangingisda natin. Tiyak ng pamamahayag na ito na sumasawsaw ang mga pulahang tsino sa nangyayaring away ng mga Marcos at Duterte at tumitira sila habang lihis ang atensyon natin. Anuman ang mangyari atin ang Sabina. Kaakibat natin ang mga mangingisda natin. Pumalag na tayo.
***
Biglang umeksena ang tanggapan ng Ombudsman sa ginagawang pagdinig ng Mababang Kapulungan partikular ang Committee on Good Governance na pinamumnuhan ni Kin. Joel Chua. Ang kasalukuyang Ombudsman ay itinalaga ng dating administrasyon. Himayin natin: nakasaad sa Se. 15 sa mg kapangyarihan, tungkulin at gawain ng Ombudsman ay imbestigahan at usigin ang anumang reklamo na sa tingin nila ito ay hindi makatarungan, hindi tama o sapat, o labag sa batas, at maaari nitong kunin o pangunahin ang imbestigasyon mula sa anumang ahensya o sangay.
Sang-ayon po ako dito. Mandato po ito ng Ombudsman. Ngunit heto ang dapat unawain ng pinagpipitagang Ombudsman, dahil ito ang punto ng Committee on Good Governance chairman Joel Chua: ” yung sa amin kasi “in-aid-of-legislation” Yung nature ng aming imbestigasyon ay ” in-aid-of-legislation” kaya magkaiba po ‘yun”. Kaya pakiusap po; hayaan po natin ang Quadcom na gawin nila ang trabaho nila. Pwede po naman kayo magsagawa ng sariling imbestigasyon. Hayaan niyo silang magtrabaho at “shut up” muna para hindi kayo mahalata na pumupusta sa pato.
***
Jok Onli:
(mula sa maligalig na pagiisip ng isang Pinay na naninirahan sa Paris Pransya na itatago lamang natin sa pangalang Maris Hidalgo)
GF: Hu hu hu hu… Bakit natin
ginawa ito?… Hindi na ako
virgin at dalawang beses pa
natin ginawa!!!
BF: Ano?!? Isang beses lang may
nangyari ah!!!???…
GF Bakit?… Hindi ba natin uulitin
mamaya ?!?…
(Para makasiguro na may nangyari… Onga naman…)
***
mackoyv@gmail.com