Advertisers

Advertisers

BIÑAN LGUs PNP, TUMANGGAP DIUMANO NG MILYONG PISONG “LAGAY” MULA SA GAMBLING OPERATOR?

0 38

Advertisers

ILANG buwan nalang mamimili na ang mga botante ng kanilang iluluklok sa City Hall ng Biñan, Laguna.

Ang hindi lang maganda pakinggan mga pare at mare itong nasagap nating impormasyon mula sa ilang concern citizen patungkol sa milyong pisong LAGAY mula sa gabi-gabing sugal na “drop ball baraha at color games na talamak ngayon sa Biñan City, Laguna.

Ayon sa sumbong ipinapangalandakan diumano ng gambling operator na alyas Judith na umabot na sa halagang P2.2 milyon ang kanyang naipamigay sa Biñan LGUs, at hindi pa umano kasama rito ang para umano sa hepe ng kapulisan maging ang CIDG-Laguna, NBI-4A, Laguna Police Provincial Office at Police Regional Office 4A o Camp Vicente Lim.



Sinabi ng source na bukod kay Biñan City Mayor Atty. Walfredo “Arman” Dimaguila at Vice Mayor Angelo “Gel” Alonte kaladkad din ang mga kapitan ng Barangay Sto Domingo, Barangay Sto Thomas at Barangay Timbao sa gabi-gabing lantad na sugal na mistula na umanong mini casino.

Sa totoo lang kilala nating parehas at matino itong sina Mayor Dimaguila at Vice Mayor Alonte pero bakit ang aga naman para sirain ang kanilang reputasyon sa barya-baryang pera mula sa illegal na sugal samantalang malayo pa ang eleksyon.

Katunayan ipinagdiinan pa raw ng bigtime na gambling operator na isang aktibong pulis ang diumanoy tumatanggap ng nabanggit na halaga para sa mayors office at vice mayors office bilang “goodwill” o pakikisama para magiging smooth diumano ang gambling operation sa nabanggit na tatlong barangay na humihigop sa perang pinaghihirapan ng mga residente sa lungsod.

Ang tanong alam kaya ito nina Mayor Dimaguila at Vice Mayor Alonte?

Alam din kaya ito ng Sangguniang Panglungsod (SP)?



Ang nakapagtataka din ay kung bakit hindi ito hinuhuli ng lokal na kapulisan na pinamumunuan ni Biñan City Chief of Police PLtCol Jonathan Robert Rongavilla gayong bawal ito alinsunod sa Presidential Decree 1602 na inamyendahan ng RA 9287.

Pero teka sino nga ba itong aktibong pulis Biñan na tumanggap ng P2.2 milyon mula sa bigtime na gambling operator na si alyas Judith bilang protection money?

Kung magsasawalang kibo at walang gagawing aksyon dito sina Mayor Dimaguila at Vice Mayor Alonte baka totoo nga ang ipinagmamalaki ni alyas Judith?

Samantala hindi lamang sa lungsod ng Biñan nagkalat ang mga pasugalan ni alyas Judith kundi lantad din ang gabi-gabing ang presensya nito sa may Tram Plaza Balibago at Victory Central Mall sa Santa Rosa City, Laguna.
Tutukan natin!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.