Advertisers

Advertisers

Pasko sa Maynila,simula na… Christmas Tree sa Kartilya, pinailawan na nina Mayor Honey at VM Yul

0 32

Advertisers

PINAILAWAN na nina MAYOR Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang higanteng Christmas Tree sa Kartilya ng Katipunan noong Biyernes ng gabi bilang tanda ng pagsisimula ng Kapaskuhan sa kabisera ng bansa.

Inanunsyo din ni Lacuna na siya at si Servo ay personal na mangunguna sa 12-day distribution of Christmas food boxes sa may 700,000 households sa lungsod simula December 1, upang ang bawat pamilya ay mayroong pagsaluhan sa araw ng Pasko.

Tinawag na, ‘Sama Sayang Pasko sa Maynila 2024,’ ang pagtitipon ay ginawa kasabay ng pag-iilaw ng Christmas decorations sa Pasig River Esplanade, Rizal Park, Intramuros, Bangko Sentral ng Pilipinas, National Museum at Metropolitan Theater.



Naroon din sa nasabing event ang mga Local at national officials sa pamumuno nina City Administrator Bernie Ang, Congressman Rolan Valeriano, comebacking Congressman Manny Lopez, department heads at Manila City Councilors.

Bago simulan ang tree-lighting, sinamahan nina Lacuna at Servo si Philippine Postal Corporation Postmaster General Luis Carlos sa paglulunsad ng PhilPost’s 2024 Christmas stamps kung saan itinatampol ang tradisyunal na ‘Simbang Gabi sa Ilog Pasig.’



Sa kanyang mensahe sinabi ni Lacuna na ang pamahalaang lungsod ay nakikiisa sa lahat ng Manileño sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

“Tayo po ang isa sa mga may pinakamahabang selebrasyon ng Kapaskuhan dahil ‘ber’ months pa lamang, ang lahat ay excited na sa paghahanda para sa Pasko. Anuman ang kalagayan sa buhay o sitwasyong kinakaharap, pinagsisikapan nating ipagdiwang nang masaya ang Kapaskuhan,” pahayag ng alkalde .



“Palagi nating sinasabi na dito sa Maynila, may pagkakapantay-pantay, anuman ang estado sa buhay, anuman ang kasarian, edad, paniniwala o sektor na kinabibilangan. Lahat kasama, dahil lahat ay mahalaga. Ipagdiwang natin ang Paskong may kalinga, may ginhawa at may saya,” dagdag pa ni Lacuna.

Sinundan ang tree lighting ceremony ng makukulay na fireworks display sa tuktok ng iconic Manila City Hall clock tower.

Inanyayahan din ng alkalde ang publiko na makiisa sa “SamaMasayang Pasko sa Maynila Food and Goods Bazaar” na nagtatampok sa mga stalls na nagtitinda ng iba’t-ibang klase ng pagkain at zaarvgift items. Libre ang admission sa publiko sa nasabing bazaar na tatakbo hanggang hanggang January 4, 2025. (ANDI GARCIA)