Advertisers
IKA-3 ng Agosto, 2023 nang umuwi sa bansa si Gongdi mula Peking kung saan nakipagkita siya kay Xi Jinping. Hindi siya dumiretso sa Davao City. Bagkus, pumunta muna sa Malacanang kung saan nagkaroon siya ng “one-on-one” miting kay BBM. Hindi si Gongdi ang sugo ng China pero ito na nga ang nangyari. May kalatas si Gongdi kay BBM mula Peking pero hindi ito opisyal na inilabas ng Palasyo.
Kitang-kita sa video clip na todo-todo ang mga ngiti ni BBM, Ispiker Martin Romualdez at ilang kasapi ng Gabinete tulad ni Lucas Bersamin, Gibo Teodoro, at Cheloy Velicaria-Garafil habang tinanggap si Gongdi na kasama si Buddy Medialdea at Bong Go. Kung hindi kami nagkakamali, ito ang huling pagkakataon na nagkita ng personal si BBM at Gongdi. Hindi bilib sa isa’t isa ang dalawang lider. Walang paghanga na namagitan sa dalawa.
Batay sa mga ngiti, halatang nagplastikan ang dalawa. Pakitang tao lahat ng pakitang giliw ng bawat isa. Batid ni BBM na kaya humingi ng one-on-one miting si Gongdi ay dahil nais niyang magpakitang gilas kay Xi na naunang humarap sa kanya noong ika-17 ng Hulyo. Nais ipadama ni Gongdi na may access siya kay BBM at madali siyang nakakahingi ng one-on-one miting sa kanya kung nanaisin. Nagpapasikat lang.
Sa panig ni BBM, nais niya marinig kung ano ang mahalagang kalatas ni Xi sa kanya. Kahit ano pa ang sabihin ng kampo ni Gongdi, lumabas na siya ang sugo ng Peking upang ibigay ang kalatas. Walang matinong nangyari pagkatapos ng miting sa Palasyo. Dahil walang nangyari, walang inihayag ang PCO hinggil sa pulong.
Nauna dito, ibinaba ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) ang desisyon na ituloy ang naantalang “formal investigation” ng ICC kay Gongdi at mga kasapakat kaugnay sa sakdal na crimes against humanity na iniharap laban kay Gongdi dahil sa madugo pero pumalpak na digmaan kontra droga. Ito ang dahilan kung bakit tumakbo si Gongdi sa Peking. Natakot na dakpin siya ng ICC upang panagutin sa kanyang krimen kaugnay sa pumalpak na war on drugs niya.
Dalawang linggo na nagtago si Gongdi pero ikinalat ng kampo niya na nagpagamot umano siya sa China. Umalis siya noong ika-15 ng Hulyo, dalawang araw bago bumaba ang desisyon ng Appeals Chamber na nagsisilbing korte suprema ng ICC. Ito ang pagkakataon na pinaglaruan siya ni BBM at Martin. Hindi alam ni Gongdi na pinaglaruan ng siya ng dalawa.
Nagpalabas si BBM na pahayag na dahil sa lumabas na ang pasya ng ICC na tumatanggi sa dalawang motion for reconsideration sa hiling ng Filipinas na ipagpaliban ang formal investigation, minabuti ng Filipinas na huwag ng muling makipagtalastasan sa ICC. Pinuputol ng Filipinas ang komunikasyon sa ICC, ito ang pahayag ni BBM.
Sa totoo, walang dapat putulin. Tapos na desisyon sa dalawang motion for reconsideration na iniharap sa ICC. Walang plano ang gobyerno ni BBM na magbigay ng ikatlong mosyon dahil pagtatawanan na tayo sa buong daigdig. Ang kahindik-hindik ay ang maling paniwala ni Gongdi at mga alipores at manananggol na niya na tuluyang tumalikod si BBM sa ICC.
Hindi totoo iyon. Ang totoo ay walang ibinabang executive order, memorandum circular, at kahit verbal order na nagbabawal sa mga tauhan ng ICC na pumasok at lumabas sa bansa. Sinadyang hindi malinaw ang kalatas ni BBM upang iligaw si Gongdi at ang mga walang alam na mga alipores at abugado niya. Ngayon, may peligro si Gongdi na maaari siyang dakpin ng ICC.
***
NOONG Sabado, may inilabas akong post sa aking social media account. Pakibasa:
TIME ELEMENT is the main obstacle to an effective and workable impeachment complaint against Misfit Sara. If an impeachment complaint is filed by next week, Congress has barely two months to pursue the Misfit’s ouster. Congress, by February will adjourn to give way to the political campaign for the May 2025 midterm elections. Bitin na bitin sa panahon.
As experience has shown, we saw what it took in the impeachment trials of Renato Corona and Merceditas Gutierrez, – at least five to six months to pursue an effective impeachment process, including the trial. But BM’s statement did not mean that an impeachment complaint should not be filed. It did not preclude in any way the filing of impeachment complaints immediately after the elections.
If I could guess the reasons behind his judgment, BBM prefers to pursue the consolidation of his hold on Congress – an overwhelming majority for the House of Representatives and a similar effective majority in the Senate. No more for the likes of Bong, Bato dela Rosa, Pandaya in the Senate, or even Rodente Marcoleta in the House.
By that time, the Misfit will just resign instead of undergoing a bloody and messy impeachment process. This is more sanguine, in BBM’s view.
***
MAY isa pang dahilan kung bakit ayaw ni BBM na ituloy ng kampo niya ang planong ipagharap ng impeachment complaint laban kay Sara. Hindi siya sigurado sa Senado. Hindi siya sigurado kung makakakuha ng sapat na boto upang patalsikin si Sara sa puwesto.
Hindi siya nakakasiguro kung ano ang magiging boto ng mag-inang Villar, magkapatid na Cayetano, at magkapatid na Estrada/Ejercito. Nandiyan si Bong Go, Bato dela Rosa, at Robin na tiyak na kakampi kay Sara. Hindi siya sigurado kay Francis Tolentino na ang katapatan ay maaaring magpalit sa isang kurap ng mata.
Hindi sigurado si BBM sa reaksyon ng Mindanao lalo na sa mga Lumad at Muslim. Hindi siya sigurado sa China na tiyak na bubuhos ng suporta kay Sara dahil tuta nila ang mag-ama at galit sila kay BBM dahil a pagyakap sa mga Amerikano. Ag-isipan ninyo ng mabuti
***
MGA PILING SALITA: “This is something to ponder upon regardless whether you are a fan of the Marcos admin or not: If any serious ‘accident’ befalls the President from now until 2028, Sara, as VP, succeeds as president. That thought alone should send shivers down our spine because we all witnessed her psychotic episodes. If this happens, for sure like her father, she would abuse the immense power of the president. Like her father, she would steal gov’t funds. Like her father, she would destroy democratic institutions, weaponize the law and transform the PNP into her own private security force. Finally, like her father, she would have people killed. Plus, according to Baste, siya daw ang magiging DND secretary para bawian ang mga Ilokano. To top it all, si Pulong ang magiging Speaker of the House of the Representatives. No joke! No joke!
No, we will not just eat popcorn and let this happen. We shall not let this happen.” – Sonny Trillanes, netizen, dating mambabatas, propesor