Advertisers
Eka ni Coach Rajko Toroman ay dapat madala ni Kai Sotto ang Gilas Pilipinas sa susunod na FIBA World Cup. Doon daw ipakita ng seven-footer ang kanyang improved game at tiyak pag-aagawan na siya ng mga team sa NBA.
Para naman kay Coach Tim Cone ay darating ang panahon na kayang idomina ng 22 años na anak ni Ervin Sotto ang buong Asian basketball.
Sa huling Qualifiers ay lumalabas na totoong laro ng dating Ateneo Blue Eaglet.
***
Isa pang aspeto ng coaching career ni Joe Lipa ay pagiging intense at strict. Pero sa mahabang panahon ng kanyang karera ay ni minsan hindi siya nagmura sa mga reperi.
“ Oo nagrereklamo ako sa ilang tawag ng mga taga-pito nguni’t hindi ko naging ugali mag-curse sa kanila,” paliwanag ng malaking impluwensiya sa pagiging mahusay na sentro ni Benjie Paras. Espesyal na bisita natin siya aa OKS noong nakaraang Lunes.
***
Kakaiba ang mga palayaw ng magkapatid na Olsen at Nash na kapwa college cage mentor na. Ang mga anak nina Cesar at Rose Racela ay parehong isinunod kanilang mga nickname sa araw na kanilang kapanganakan.
Ang ex- Sam Miguel pointguard komo ika-1 ng Nobyembre ang kaarawan na All Saints’ Day kaya tinawag na Olsen si Rodericko Cesar Escueta Racela.
Ire naman na head coach ng Adamson Falcons ay ika-30 ng Nobyembre rin isinilang na nagkataong pista opisyal kasi Bonifacio Day. Hayun binansagang Nash kasi nga national holiday.birthday ni Raoul Cesar Escueta Racela.
Malaking problema nga ni Mommy Rose pag naghaharap ang mga koponan ng dalawa. Anong kulay isusuot at saan bandang section uupo.
May isa pang utol ang ngayo’y bench tactician na ng University of Perpetual Help na Wally ang katawagan. Itong bunsong lalake nila ay walang okasyon ang birthday kaya naging Wally.
***
Tulad ni Coach Chot Reyes ay kinuha na rin ni Pido Jarencio ang anak bilang assistant niya sa UST . Kung nasa coaching staff ng TNT si Josh Reyes ay nasa Growling Tigers naman si Alfredo Jarencio Ii.