Advertisers

Advertisers

Agad na tulong nina Mayor Honey, VM Yul sa Sampaloc fire victims

0 22

Advertisers

AGAD na nagbigay ng tulong sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo, kasama si Manila department of social welfare chief Re Fugoso, sa mga pamilyang biktima ng sunog sa Sampaloc, lalo na sa mga nawalan ng mahal sa buhay.

Sina Lacuna at Servo personal na nagpaabot ng pakikiramay at tulong pinansyal sa pamilyang may kaaanak na nasawi sa insidente ng nasabing sunog.

Mula dito ay tumungo naman sina Lacuna at Servo sa Intramuros upang bisitahin ang panibagong mga biktima ng sunog.



Nabatid kay Fugoso na bawat pamilya na-displaced ng sunog ay pinagkalooban ng P10,000 habang ang pamilyang may kaaanak o kasama sa bahaybna nasawi sa sunog ay pinagkalooban ng P20,000 bawat isang pamilya. Tunanggap din ito ng iba pang tulong sa pamahalaang lungsod tulad ng hot meals, hygiene kits at iba pang essentials.

Nalulungkot si Lacuna dahil may mga nasawi sa Sampaloc fire, at muli siyang nagpaalala na gawin ang lahat ng nararapat upang maiwasan ang sunog lalo na ang pagkawala ng buhay.

Naiulat na anim katao ang namatay kabilang na ang dalawang bata, sa sunog na tumupok sa isang residential building sa kanto ng Laong Laan at Blumentritt Streets sa Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP) tatlo sa mga nasawi ay natagpuan sa second floor habang ang iba pa ay sa ground floor.

Nagsimula ang nasabing sunog dakong 2:40 a.m. at umabot ng second alarm bago tuluyang naapula ang apoy ganap na 4:24 a.m.



Samantala ay pinangunahan nina Lacuna at Servo ang city’s single, largest distribution of food boxes bilang bahagi ng ’12 Days of Christmas’ gift-giving ngayong taon.

Nabatid na may kabuuang 24,397 boxes ang ipinamahagi sa mga residente ng Barangay 20 at Barangay 275 sa Parola, Tondo, na isang sa pinakamataong lugar sa Maynila.

Nagsimula sina Lacuna at Servo sa pamamahagi ng food boxes sa may 700,000 households sa Maynila noong December 1, upang tiyakin na lahat ng pamilya sa lungsod ay may pagsasaluhan sa araw ng Pasko . Ang mga nasabing kahon ay naglalaman ng noche buena items at lahat ng households kahit ano pa ang estado sa buhay basta kasama sa listahan ay tatanggap. (ANDI GARCIA)