Advertisers
ILANG beses na nagsagawa ng “radio challenge” ang Philippine Coast Guard (PCG) sa China Coast Guard (CCG) vessels na namataan sa dagat ng Zambales.
Ito ang ibinahagi ni Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson for West Philippine Sea, at aniya ilang beses na pinaalahanan ng kanilang BRP Teresa Magbanua ang Chinese vessels na sila ay nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ayon kay Tarriela, pinagsabihan ang Chinese vessels na kailangan na nilang umalis sa dagat na sakop ng Zambales.
Ani Tarriela, ang mga banyagang sasakyang pandagat ay namataan sa distansiyang 70 nautical miles hanggang 80 nautical miles mula sa dalampasigan ng Zambales.