Advertisers

Advertisers

Pasok sa gobyerno at paaralan sa Enero 13 suspendido dahil sa Peace Rally ng INC

0 16

Advertisers

SINUSPINDE ng Malacañang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at mga paaralan sa lahat ng antas sa mga lungsod ng Pasay at Maynila sa darating na Lunes, Enero 13.

Ang kautusang ito ay inilabas kaugnay ng nakatakdang “Pambansang Rally para sa Kapayapaan” na isasagawa ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand.

Inaasahan kasing dadaluhan ito ng libu-libong miyembro mula sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon.



Batay sa Memorandum Circular No. 76 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ipinauubaya na sa mga pribadong kumpanya ang desisyon kung isususpinde rin nila ang pasok ng kanilang mga empleyado.

Madaling-araw pa lamang ay inaasahang magsisimula nang magtipon ang mga miyembro ng INC sa Quirino Grandstand.

Bukod sa mga dadalo mula sa NCR at Luzon, posibleng dumating din ang mga miyembro mula sa Calabarzon Region at magkakaroon din ng rally sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Isinagawa ang hakbang na ito upang magbigay-daan sa inaasahang malaking bilang ng mga kalahok at masigurado ang kaligtasan at kaayusan sa nasabing lugar. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)