Advertisers
INAASAHANG aabot ng halos 20 personalidad ang tatakbo sa presidential election sa 2022.
Sinabi ni Eero Brillantes CEO of Blueprint.PH (www blueprint ph), isang malaking data analytics at campaign manegement consultancy firm, 16 raw ang nakikita nilang mga personalidad na tatakbo sa presidential race sa 2022.
Ayon daw sa kanilang big data metrics 16 na pangapan ngayon ang laging nababanggit sa social media, partikular ang Facebook na potential presidential candidates.
Pahayag ni Brillantes na sa pamamagitan lamang daw ng social media networking activities sa pamamagitan ng Facebook ay puwede nang makapag-generate ng 22 hanggang 35 percent na boto sa 2022.
Kabilang sa mga posible raw tumakbo sina Vice President Leni Robredo, Senators Manny Pacquiao, Bong Go, Risa Hontiveros, Grace Poe, Pia Cayetano at Tito Sotto, negosyanteng si Ramon Ang, human rights lawyer Chel Diokno, Davao City Mayor Sara Duterte, Rep. Alan Peter Cayetana, Laguna Governor Jonvic Remulla, dating mga senador na sina Bongbong Marcos, Manny Villar, Lucy Torres Gomez at Manila Mayor Isko Morene
Iginiit ni Brillantes na ang social media ang magiging major battleground sa potential votes sa susunod na halalan.
Ang main stream media naman daw na kinabibilangan ng advestising at public relations ang may mas malaki pa ring impluwensiya sa pagboto na aabot sa 65 hanggang 78 percent. (Josephine Patricio)