Advertisers

Advertisers

Quiboloy isinugod sa ospital sa pneumonia

0 10

Advertisers

Isinugod sa isang ospital noong weekend si Apollo Quiboloy matapos ma-diagnose na may pneumonia.

Kinumpirma rin ni BJMP spokesperson JSupt Jayrex Bustinera sa Bilyonaryo News Channel na isinugod sa ospital si Quiboloy noong Sabado ng hapon nang mahirapang huminga dahil sa pneumonia.
Inilipat din ito sa isang pribadong ospital na mayroong kumpletong pasilidad para sa kaniyang pagpapagamot.

Sa kaniyang pananatili sa isang pribadong ospital, binisita rin umano si Quiboloy ng kaniyang matalik na kaibigan na si dating pangulong Rodrigo Duterte.



Kasalukuyang nahaharap si Quiboloy sa kasong qualified human trafficking sa Pasig Regional Trial Court gayundin sa kasong child abuse na isinampa laban sa kaniya sa Quezon City court.