Advertisers

Advertisers

Covid update: 436 gumaling; 36 nasawi; 1,491 bagong kaso

0 236

Advertisers

UMAKYAT na sa 458,044 ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa kasunod ng karagdagang 1,491 na bagong kaso.
Samantala ay mayroon namang naitalang 436 na gumaling at 36 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.1% (28,047) ang aktibong kaso, 91.9% (421,086) na ang gumaling, at 1.95% (8,911) ang namatay.
Nakapagtala naman ang Quezon City ng 129 na kaso na siyang nangunguna sa Top 5 na probinsya at siyudad na may mataas na naitalang kasa ngayong araw.
Mayroon namang 102 sa Rizal, Benguet- 81, Davao City- 75 at 54 sa Laguna.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang DOH na wala pang aprubadong bakuna ng Covid-19 sa bansa.
Nagbabala rin ang DOH na maging maingat sa mga nagbebenta at nag-aalok ng hindi rehistradong bakuna na ipagbigay alam sa Food and Drug Administration (FDA). (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)