Advertisers
NASAWI ang 16-anyos lalaking siklista nang mabangga ng humaharurot na pampasaherong jeep Linggo ng umaga sa southbound lane ng Padre Burgos Avenue kanto ng Victoria St., Intramuros, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Rhandelle Luis Capili, nakatira sa Blk.18, Lot 14, Northville 4A, Lambakin Marilao, Bulacan.
Hawak na ng pulisya ang jeepney driver na si Rolly Escanilla, 48, residente ng 152 Blk 15-A, Baseco, Port Area, Maynila.
Sa ulat, binabagtas ng biktima, kasama ng iba pang siklista, ang southbound lane ng Padre Burgos Ave. nang pagsapit sa kanto ng Victoria St. ay sumulpot sa kanyang tabi ang pampasaherong jeep dahilan para mabangga ng biktima.
Ayon sa report, nang mabangga, inatrasan pa ni Capili ang biktima dahilan para magtamo ng matinding pinsala sa katawan.
Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide with damage to property si Capili. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)