Advertisers

Advertisers

2 miembro ng criminal group tigok sa engkwentro

0 255

Advertisers

TIGOK ang dalawang miyembro ng criminal group na ‘Bastil’ nang makaengkwentro ang mga tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) sa Valencia City, Bukidnon.
Ayon kay PNP-AKG Director, BGen. Jonnel Estomo, isisilbi ng mga tauhan ng AKG ang warrant of arrest laban kina Erwin Torrejas at tatlong iba pa na nahahaharap sa kasong murder, pagpatay sa isang Joel Emata noong December 14, 2013.
Sa report, natunugan nina Erwin at backride nitong si Emilito Torrejas, kapatid ng akusado, ang presensiya ng mga pulis at agad nagpaputok, dahilan para mag-retaliate ang mga otoridad.
Nag-o-operate ang Bastil Group sa Valencia City, Bukidnon at sa iba pang karatig lugar, sangkot ang grupo sa gun running, gun for hire, robbery hold up, at serye ng kidnapping sa nasabing lugar.
(Mark Obleada)