Advertisers
MAHIGPIT na mandato ng Metro Manila mayors na ipagbawal ang lahat ng uri ng paputok ngayong Holiday season.
Ayon kay Metro Manila police chief Brig. Gen. Vicente Danao, huhulihin ang mga lalabag at pagsasabihan na huwag nang ulitin ang kanilang ginawa.
Noong nakaraang linggo pa nang inaprubahan ng Metro Manila mayors ang pagbabawal sa paggamit at pagbebenta ng mga paputok sa Metro Manila.
Pero ang mga fireworks display naman sa mga designated na ligtas na lugar ay dapat dumaan muna sa approval ng lokal na pamahalaan, ayon kay Danao. (Josephine Patricio)