Advertisers

Advertisers

Base sa bagong WRN survey… FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTYLIST TOP 2 SA LUZON

0 5

Advertisers

SA pinakabagong WR Numero survey ngayong Abril 2025, pumangalawa ang FPJ Panday Bayanihan Partylist sa buong Luzon – isang patunay ng pagtutok nito sa mga lokal na komunidad. Pinangungunahan ito ng unang nominado na si Brian Poe, na aktibong nakikibahagi sa mga proyekto para sa serbisyo publiko sa buong Pangasinan. Ang kaniyang pagtutok sa pagbibigay ng mas maayos na access sa pangunahing pangangailangan at serbisyo ay nagdudulot ng positibong epekto sa mga mamamayan.

Ang ikalawang nominado na si Mark Patron ay pinapalakas ang kampanya sa Batangas gamit ang kanilang matibay na koneksyon sa lokal na pamahalaan. Ang kaniyang ama, si Mayor Ben Patron, na kasalukuyang Pangulo ng League of Mayors sa Batangas, ay sumusuporta sa kampanya ni Mark upang mas mapalawak pa ang suporta sa lalawigan. Magkasama nilang inuuna ang pangangailangan ng komunidad at mas pinapalakas ang lokal na pamamahala.

Sa rehiyon naman ng MIMAROPA, aktibo ang ikatlong nominado na si Hiyas Dolor, katuwang ang kanyang asawa na si Governor Bonz Dolor, sa pagsasagawa ng kampanya. Layon nilang matugunan ang mga isyu tulad ng kahirapan, at kakulangan sa edukasyon at serbisyong pangkalusugan upang mapabuti ang kalidad ng pamumuhay sa rehiyon.



Pinalalakas pa ng legacy ng pamilya Poe—lalo na sa Lingayen Corridor—ang suporta sa FPJ Panday Bayanihan. Sa pangunguna ni Brian Poe, na malapit sa puso ng mga taga-Pangasinan, mas nagiging matatag ang tiwala ng publiko sa partylist.

Habang patuloy na lumalawak ang presensya ng FPJ Panday Bayanihan sa Luzon, nananatiling tapat sina Brian Poe, Mark Patron, at Hiyas Dolor sa kanilang layunin na maging boses ng taumbayan at maghatid ng tunay na serbisyo para sa bawat Pilipino.