Advertisers

Advertisers

Biktima ng online scam, bullying ipagtatanggol ng KSMPBI

0 3

Advertisers

Tiniyak ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) na handa nilang ipatanggol ang mga biktima ng online scam, social, media bullying, fake news at cybercrimes at ipaglaban ang kanilang karapatan.

Ang paniniyak ay ginawa ng KSMBPI kasunod ng kanilang pagtulong sa mga biktima ng online gaming scam na umaabot sa P42 bilyon. Sinasabing isa sa pinamakalaking financial fraud sa kasaysayan ng bansa.

“We are calling on all victims of social media atrocities and cybercrimes to contact KSMBPI through our official website (socmedbroadcasters.org) so we can provide you legal assistance and other support services in your search for justice,” KSMBPI Chairman Dr. Michael Raymond Aragon.



Ang KSMBPI ay isang non-stock, non profit group na lumalaban sa anarkiya, fake news, sa social media.

Itinutulak din ng grupo ang pagbuo ng National Social Media Regulatory Board (NSMRB) na nakatutok sa panganib na dulot ng social media sa national security.