Advertisers

Advertisers

Ria happy na katulong si Zanjoe sa pag-aalaga ng anak

0 9

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALEZ

VERY busy si Ria Atayde sa premiere night ng pelikukang Picnic kamakailan.

Balik-trabaho ang isa sa mga may-ari ng Nathan Studios matapos manganak sa baby nila ng mister niyang si Zanjoe Marudo noong September 23, 2024.



Lahad ni Ria, “Medyo nakakalabas-labas na po talaga now. But still, mainly at home.

“Just for this. Kasi, obviously, I have to be here for Nathan.”
Bukod sa ina niyang si Sylvia Sanchez ay punong abala si Ria sa Nathan Studios na pag-aari ng Atayde family.
“I mean, I do naman. Yung mga behind-the-scenes work that we do.
“I still continue to work on it. “Things I can do at home, mainly our meetings, ganyan.
“I get to go to meetings… I just can’t do anything that takes me out of the house longer than siguro three to four hours, ganyan.”

Mostly work-from-home muna si Mrs. Marudo.

“Ideally kasi, I wanna make my baby breastfeed until he’s a year old.
“So maybe, I’m already what, seven months in. So, five more months,” ay madalas na siyang lalabas ng bahay.
Super-enjoy ni Ria ang pagiging first time mommy.
“I love it! Hmmm wala… I’m loving it. It’s… I mean, you know, it’s equally challenging and rewarding.
“It’s… you know, pushing you to limits na hindi mo alam na kaya mo pala and all of that.
“Yeah, I take it day by day lang talaga para hindi siya nakakalula,” masayang bulalas pa ni Ria.
Maging si Zanjoe ay hands-on bilang daddy, ayon pa kay Ria.
“Yeah, super! He’s great, as in I’m glad na he’s my partner in all of this, in figuring out parenthood.
“Kasi he’s been nothing but supportive and great help. “Yung I’ve never felt I’m alone.
“I’m able to do things pa rin for myself because he’s there, you know, like saluhan.
“It’s nice,” nakangiting wika ni Ria.

Palabas na ngayon sa mga sinehan ang Picnic na isang South Korean movie na dinala dito sa Pilipinas ng Nathan Studios at dinub sa Tagalog nina Nova Villa, Bodjie Pascua, Fyang Smith, at JM Ibarra at ng napakahusay na si Ces Quesada.



Kuwento ito ng pagkakaibigan at pamilya at pagtanda.