Advertisers

Advertisers

80 flying voters huli sa Maguindanao

0 4

Advertisers

NAHULI ang 80 flying voters na kinabibilangan ng mga menor de edad sa Bulan, Maguindanao del Sur, Lunes ng umaga, May 12.

Ayon kay Colonel Ryan Bobby Paloma, provincial police director, naaresto ang mga flying voter 7:00 ng umaga at dinala sa Maguindanao del Sur Police Provincisl Office para sa imbestigasyon at dokumentasyon.

Inamin ng mga ito na binayaran sila kapalit ang kanilang mga boto kahit sila ay taga- ibang lugar.



Sa report ng pulisya, iginiit ng grupo na sila ay ni-recruit mula sa General Santos City at Bukidnon para bumoto sa bayan ng Buluan, na nasa ilalim ng kontrol ng Commission on Elections (Comelec).(Mark Obleada)