Advertisers

Advertisers

2 anak binugaw ni mommy sa online sa Pampanga

0 41

Advertisers

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang ina dahil sa online sexual exploitation sa kanyang dalawang menor de edad na anak.

Sinabi ng NBI na ang ‘di na pinangalang ina, inaresto ng mga operatiba ng NBI-Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) sa bisa ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data sa kanyang tirahan sa Mabalacat, Pampanga noong Mayo 15.



Nakita at nakuha ng mga ahente ng NBI ang apat na smartphone at isang laptop mula sa kanilang subject.

Sinabi ng NBI na ang mga ahente nito nagsagawa ng onsite live na preview sa isa sa mga smartphone na nasamsam at nakahanap ng iba’t-ibang Child Sexual Abuse o Exploitation Materials’ na nakapaloob dito.



Kasunod ng pag-aresto sa ina, kinasuhan siya sa Mabalacat City Prosecutor’s Office ng paglabag sa Republic Act No. 11930, ang Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse o Exploitation Materials Act.

Idinagdag nito na isinagawa ang operasyon nang makatanggap ng referral ang NBI-HTRAD mula sa Royal Thai Police, na pinangasiwaan ng National Coordination Center laban sa Online Sexual Abuse o Exploitation of Children and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials at ipinasa sa pamamagitan ng Philippine Internet Crimes Against Children Center.



Sa pagsusuri sa nasamsam na cellphone, lumitaw na nagpadala ng malalaswang larawan ng dalawang menor de edad na babae ang suspek.

Ang dalawang bata ay itinurn-over sa City Social Welfare and Development Office, Mabalacat City para ilipat sa isang non-government organization shelter.