Advertisers

Advertisers

WORK FROM HAGUE,NOT AN OPTION

0 46

Advertisers

Malabo umanong payagan ang “work from Hague” para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Interior Sec. Jonvic Remulla, matapos ang pagkakapanalo ng dating presidente sa mayoralty race sa Davao City.

Sinabi ni Remulla na ipapaalam niya sa International Criminal Court (ICC) kung maaaring ipadala ng Pilipinas ang isang konsul upang manumpa si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang alkalde ng Davao City.

Sa kabila ng kanyang pagkakakulong sa ICC dahil sa mga alegasyon ng crime against humanity, si Duterte ay opisyal na idineklarang alkalde ng Davao City

Nanalo si Duterte na may mahigit 662,000 boto laban sa kanyang katunggali na si Karlo Nograles, na nakakuha lamang ng 80,000 boto.

Dahil sa kanyang pagkakakulong, ang kanyang anak na si Davao Vice Mayor Sebastian Duterte ang magsisilbing acting mayor sa panahong wala siya, ayon kay Remulla.

What do you expect from a Remulla na bahagi ng government grand conspiracy para kidnapin ang dating presidente patungong Hague.

Mismong si Jonvic ang umamin sa isang media interview na isa siya sa mga opisyal ng GOBYERNO kasama si Defense Sectary Gilbert Teodoro at National Security Adviser Ed Ano sa nagplano sa ginawang sapilitang pagdukot kay PRRD sa utos ni Marcos Jr..

Ipinagmamalaki ito ni Jonvic pero idineny din nang maipit at ma- corner sa Senate committee hearing na pinamunuan ni Sen.Imer Marcos.

Ano pa nga ba ang aasahan mo sa isang TRAYDOR na gaya ni Remulla?

Hindi na natin pa ide- detalye dito ang iba pang ligal na diskarteng posibleng gawin ng mga abogado ni Mayor- elect DIGONG sa mga susunod na araw.

Ang mahalaga,pinagkalooban ng complete trust and confidence ng mayorya ng mga constituents ng Davao City di lamang si TATAY Digong kundi ang lahat ng kanyang mga kumandidatong anak at apo sa Davao City.

Sapat ng sampal ito sa pagmumukha ni DILG Sec.Remulla na patuloy na ipinipilit ang panggigipit at pangha- harass sa pamilyang kalaban ng kanyang among si Marcos Jr.

Political persecution at its best,di ba Sec.Jonvic?

What goes around,comes around!

Alam mo ‘yan Jonvic Remulla,ang balimbing -lahi na ipinagmamalaki ??? ng Cavite.

Di lahat ng araw sa inyo!

There’s always a time for reckoning!

Weather weather lang!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com