Advertisers

Advertisers

EXTENSION NI PNP CHIEF GEN. MARBIL, DAPAT NGA BA?

0 60

Advertisers

Ni Edwin Moreno

Sa panahong tila yayanig ang haligi ng pamahalaan—may mga courtesy resignation sa gabinete, iniimbestigahang impeachment laban sa Pangalawang Pangulo, at muling pagbubukas ng kaso ng ICC laban sa dating Pangulo—isang tanong ang dapat sagutin: Makabubuti bang palitan ngayon ang hepe ng pambansang pulisya?

Ang sagot: Hindi. Kailangan ng bansa ng kaayusan, hindi karagdagang kaguluhan.

Si PNP Chief PGen Rommel Marbil ay lider na may malinaw na direksyon. Hindi siya natitinag ng politika, at mas pinipili ang reporma kaysa popularidad. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, isinusulong ang reorganisasyon sa PNP—mula sa istrukturang militarista tungo sa mas bukas, mas makatao, at mas accountable na organisasyon. Sa simpleng salita, ibinababa niya ang kapangyarihan upang palakasin ang lokal na ugnayan ng pulisya at mamamayan.

Sa halip na mamahiya ng tauhang nagkamali, inuunawa niya ang proseso ng pagdidisiplina. Sa halip na sibakin ang mga opisyal para lamang sa palabas o palakasan, pinipili niya ang tamang batayan. Ipinapakita nito ang uri ng pamumuno na hindi lang epektibo, kundi makatao.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Hindi panahon ngayon ng pagsugal sa bagong liderato. Hindi makabubuting patigilin ang mga programang nasimulan na, lalo pa’t ang layunin ay linisin at buuin muli ang tiwala ng publiko sa PNP. Ang pagpapalit ng lider sa kasagsagan ng mga reporma ay parang pagpunit ng plano sa kalagitnaan ng konstruksyon.

Sabi nga ng kasabihan, “Why kill the goose that lays the golden eggs?” Kung epektibo, kung may reporma, kung may pag-asa—alalayan, hindi bitawan.

Ang bansa ay nasa alanganin. Hindi natin kailangan ng dagdag na kaguluhan. Kailangan natin ng lider na maaasahan, may direksyon, at higit sa lahat, hindi alipin ng politika.

Kung may dapat i-extend sa gobyerno ngayon, si General Marbil na ‘yon. Dahil sa panahong tayo’y binabagyo ng krisis, mas kailangan natin ng timon na matatag kaysa bagong kapitan na hindi pa batid ang agos.