Advertisers

Advertisers

BREAKDOWN SA PEACE & ORDER SA CAVITE, SAMPAL KAY DILG SEC. JONVIC REMULLA

0 97

Advertisers

BREAKDOWN SA PEACE & ORDER SA CAVITE, SAMPAL KAY DILG SEC.JONVIC REMULLA

Parang hinahamon si DILG Sec.Jonvic Remulla sa mga madudugong kaganapan sa mismong tinubuang- lupa nito sa probinsiya ng Cavite.

Noong Lunes lamang,sa Barangay Salitran 3 habang nagdaraos ng flag- raising ceremony ang mga opisyal ng barangay,isang dismissed tanod na nakilalang si alias Ariel ang nag- amok at pinagbabaril at napatay sina Barangay Salitran 3 Captain Raul Atarde Ballos; 56 years old,mga Kagawad nito na sina Jose Lagones at Marvin Canete.

Kritikal naman sa ospital ang SK Chairman na si Christine Joseph Bonus.

Matapos ang shooting spree,nagbaril sa sarili at namatay din ang suspek na si Ariel.

Ilang araw naman matapos ang May 12,2025 midterm elections,napatay din ang di pinangalanang avid supporter ni Mayor- elect Rommel Magbitang ng Naic, Cavite.

Binaril ang biktima sa harap ng bahay nito noong Sabado,May 24.

Ayon sa asawa ng biktima,nakakatanggap na umano ng pagbabanta sa kanyang buhay ang mister dahil sa pagsuporta nito sa nanalong si Mayor Magbitang.

Isa pang daring broad- daylight assassination ang naganap sa kahabaan ng Tirona Highway na sakop ng Barangay

Habay1 , Bacoor kung saan tinambangan at napatay ng riding in tandem ang isang nagngangalang Dennis Bernardo ng Veraville Arcadia Homes, Dulong Bayan,Bacoor City.

Double- cross sa bentahan ng droga ang nakikitang motibo sa pamamaslang.

Patuloy na unsolved ang kaso gaya rin na iba pang unreported and unsolved killings sa iba pang siyudad at bayan sa Cavite.

Ironically, sampal ito sa pagmumukha ni DILG Secretary Jonvic Remulla na prior to his appointment ay nakaupong Gobernador ng Cavite.

Bakit di nito maaksyonan at masolusyunan ang malalang peace and order situation ng probinsiya?

Sa lalawigang ito namamahay ang lahat na ata ng URI ng criminal elements.

Gun for hire syndicates,smugglers ng droga at iba’t t ibang kontrabando,sangkaterbang loose firearms,sandamukal na private armies at mga pusakal na mamamatay- tao.

Carnappers and kidnap for ransom gangs and what have you in the underworld.

Bakit nga ba inutil ka sa lahat ng ito Sec.Jonvic?

Andyan ang intelligence network ng PNP at ng ISAFP ng militar at ito ay public knowledge ng buong sambayanang Caviteños.

Nasa Cavite ang sanctuary ng mga political warlords next to Mindanao.

Imagine,wala pang kalahating oras from Metro Manila ang Cavite kung via Cavitex ka papasok,pero parang mistulang Wild Wild West ang mga naglulungga ditong mga animal.

Halos lahat may loose firearms.

Totoo ang mga natutunghayan natin sa mga pelikula ng mag- amang Don Ramon at Bong Revilla Jr.

Sa Cavite…walang demandahan,mga bala at baril na lamang ang mag- uusap.

Baril at bala na rin ang aayos at magbibigay ng solusyon at hustisya sa ano mang gusot at hidwaan.

Pero si DILG Sec.Jonvic ay anak ng Cavite at kinikilala pa ring ama ng lalawigan dahil sa hawak nitong makapangyarihang posisyon sa national government , pero bakit nito nakokonsensiyang maging Wild Wild West ang Cavite at maging haven and sanctuary ng mga demonyong salot ng lipunan?

Balwarte ng mga brutal criminal gangs and organized crime groups.

Nagtatanong lamang po!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com