Advertisers

Advertisers

HERO AT FRANCIS, GAMIT ANG CIDG-REGION, CABUYAO AT CAVITE SA PAYOLA!

0 84

Advertisers

Ni Edwin Moreno

NGAYONG Chief PNP na si Gen. Nicolas Torre lll, tiyakang masusupil na ang garapalang koleksyon ng PAYOLA sa Calabarzon-4A.

Paputok Nina HERO at FRANCIS na operator ng saklang PATAY sa buong Cavite, hawak nila ang TARA ng CIDG-RFU na pinamumunuan ni Regional Chief Col. Geovanny Emmerick Sibalo at CIDG-Provincial Field Unit na hawak naman ni Lt. Col. Jason Gatdula.

Kasosyong sa raket ni HERO at FRANCIS sina Elwyn at Ka Minong na may hawak ng SAKLA PATAY sa Amadeo, Maragondon, Alfonso, Naic, Noveleta, Magallanes, Bailen at siyudad ng Dasmariñas at Bacoor.

Kontrolado ng 2 bugok ang LOTTENG, EZ2, pick 3 at bookies nina Jun Toto, Kap Abner at Litang Kabayo.

Kasama din sa raket ni HERO at FRANCIS, ang 300k weekly koleksyon sa PAIHI ng petroleum at LPG product Nina Amang at Aldo sa Brgy. Bancal, Carmona na ang nasa likod ang Violago Group.

Para sa kabatiran ng matikas at mabilis umaksyon na CIDG-director Officer In Charge P/Col. Ranie Hachuela, pinagmamalaki nina HERO at FRANCIS, hawak nila ang tong koleksyon ng tanggapan Nina CIDG-RFU4A Col. Sibalo, Cavite CIDG-Provincial Field Unit Lt. Col. Jason Gatdula at Laguna CIDG-Provincial Field Unit Lt. Col. P/Major Adrian Nalua.

Speaking of Laguna, dito tahasang gamit ng mga PAIHI operator sa Brgy. Makiling at Paciano nang magkapaid na Ador at Silangan Exit ng Cabuyao na PASOK sila sa PAYOLA sa CIDG Cabuyao na hawak ni Maj. Nulua.

Gayundin ng mga pwesto pijo pergalan Nina JUDITH at Jason Tomboy na may lingguhang TARA Nina ALEX, Rommel at alyas P03 Aries na ang laging pamato ay ang CIDG Cabuyao at tanggapan ni Laguna PNP Provincial director Col. Ricardo Dalmacia.

Ang panawagan ng Non-Government Organization (NGO’s) ng Calabarzon4A kay Acting CIDG-director Col. Ranie Hachuela, puksain ang salot na illegal gambling sa Laguna at Cavite kasama ng salot na mga kolektor.

ABANGAN : may kasunod.