Advertisers
MALAPIT nang sumampa sa kalahating milyon ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng datos nito araw-araw.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), pumalo na sa 483,852 ang tinatamaan ng sakit kung saan mayroong 1,776 na nadagdag nitong Biyernes, Enero 9.
Samantala ay mayroon namang naitalang 285 na gumaling at 8 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (25,158) ang aktibong kaso, 92.9% (449,330) na ang gumaling, at 1.94% (9,364) ang namatay.
Ang Bulacan naman ngayon ang nakapagtala ng mataas na kaso ng covid-19 na mayroong 99.
Sinundan ng Davao City sa bilang na 96, Quezon City, 83; Rizal, 80 at 64 naman sa Laguna. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)