Advertisers
MULA sa mahigit isang dekadang pagkawala sa kanyang orihinal na ‘tahanan’ ay muling nagbabalik sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) si Dr. Teodoro ‘Ted’ Martin bilang Direktor ng nasabing ospital.
Labis na ikinatuwa ng mga kawani, mga doktor, nurses at iba pang medical na sumalubong kay Dok. Ted ang kanyang pagbabalik sa JJASGH na kanyang orihinal na pinangasiwaang pagamutan noong ito ay Mother and Child Hospital noong panahon ng yumaong si Mayor Alfredo Lim. Ospital’.
Katuwang nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Chi Atienza, patuloy na maghahatid ng dekalidad na serbisyong medikal sa mga residente ng ikatlong sa distrito ng Maynila ang JJASGH sa pangunguna ni Dok Ted.
Samantala ay binisita nina Moreno, Atienza at Manila DEPW City Engr. Armand Andres ang JJASGH upang inspeksyunin ang ginagawang bagong gusali ng ospital pati na ang kalsada sa paligid nito.
Kasama ang mga empleyado ng JJASGH, mga doctor, nurses at mga admin staff, ang alkalde at bise alkalde at sinalubong ni Director Martin at pinag-uspan ang mga gagawing pagsasaayos sa paligid ng ospital.
Nabatid na bubuksan ang mga kalsada sa paligid para makadaan ang mga estudyante at pedestrian. (ANDI GARCIA)