Advertisers

Advertisers

Intsik sa likod ng floating shabu timbog

0 6,863

Advertisers

BABALA sa mga biyahero, mga tatawid ng isla, at sa mga bibiyahe ng southern luzon. Mayroong bagyo, Crising. Signal No. 1 sa siyam na lugar sa luzon.

Ayon sa PAGASA nitong Huwebes, ang mga lugar na nasa ilalim ng signal No. 1 ay ang: Cagayan, kasama ang Babuyan islands; Isabela, Northeastern portion ng Aurora, Quirino, Kalinga, Eastern portion ng Montain province, Eastern portion ng Ifugao, Northeastern portion ng Nueva Vizacaya, at Apayao.

Mag-ingat ang lahat… Ipagpalian muna ang mga biyahe. Safety first

***

Ibinalita ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief, General Romeo Brawner, Jr., na ang mga shabu na napulot ng mga mangingisda sa karagatan kamakailan ay galing ng China.

Say ng heneral, ang droga ay sadyang ibinagsak sa laot na sakop ng Pilipinas para pulutin ng kanilang mga kasabwat na lokal. Kaso naunahan lang ang mga ito (lokal) ng mga mangingisda na 24/7 sa laot nangingisda.

Ayon kay Brawner, nadakip na ang Chinese national na nasa likod ng shabu smuggling method na ito, at kasalukuyan nang pinipiga para matukoy ang mga kasabwat nitong lokal.

Hmmm…mukhang naaamoy ko na kung sino ang kontak ng nahuling Chinese national.

Abangan!

***

Nadiskubre ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ang isa sa mga rason ng mabilis na pagbaha sa Maynila ay ang pagsara sa floodgate sa may bahagi ng ginawang Dolomite Beach sa may gilid ng US Embassy, na ginawa noong termino ni Rody Duterte sa Malakanyang.

Ang Dolomite Beach na ginastusan ng halos bilyong piso ay naging kontrobersiyal dahil nga hindi ideal na gumawa ng beach sa erya dahil tambakan ito ng basura na nagmumula sa bahagi ng Cavite kapag panahon ng Habagat.

Kaya nga kahit anong tambak dito ng dolomite ay inaanod parin at natatabunan ng basura kapag may bagyo at Habagat.

In fairness, maganda naman talaga ang pagkagawa ng Dolomite Beach. Yun nga lang nagiging pansamantala lang ang beauty nito. Dahil nga kapag bagyo o malakas ang Habagat at natatambakan lang ito ng basura. Napakalaking kuwarta na ang umagos sa beach na ito.

***

May suggestion ako kay Manila Mayor Isko Moreno para maging maalwan at kapuri-puri uli ang kahabaan ng baywalk sa Roxas Boulevard at dagsain ng mga namamasyal tuwing umaga at hapon:

Yorne! walisin n’yo nalang ang mga istraktura sa baywalk mula US Embassy hanggang Manila Yacht Club. Ibalik ang dating baywalk na may napakalusog na sunrise at tila nagbabagang sunset, kungsaan nakatunghay ang marami partikukar ang mga nagde-date at mga senior na nagre-relax at nagpapahangin.

Hindi natin kasi maintindihan kung bakit pinatayuan ng kung ano-anong istraktura sa Baywalk, na dati’y nakapaluwag para sa mga jogger at mga batang naglalaro at mga namamasyal.

Oo! magsadya kayo ngayon sa Baywalk, andaming mga nakaharang na wala namang purpose, kundi pinagkakitaan lamang ng kung sinong mga buwayang opisyal.

Actually, nagsimula ang mga obstruction sa Baywalk panahon ni “Bulaklak”.

Baka naman, Yorme, maibalik mo sa dati ang dating kaaaya-ayang Baywalk.

Just my suggestion, pare ko!!!