Advertisers
Ni Archie Liao
IN town ngayon ang tinaguriang Pop Rock Diva na si Rozz Daniels kasama ang mister na si David.
Aniya, retirado na raw silang pareho at bet nilang mag-stay na sa Pinas.
“We’re staying here for good. Siguro, kung babalik man kami sa Wisconsin, once a year na lang,” pagbibida niya.
Hirit pa niya, it was her supportive husband na nagdesisyon na mamalagi na sila sa Pilipinas.
“Siya ang may gusto for us to stay here para maasikaso ko ang career ko,” aniya. “Since mamatay din ang mother ko, gusto kong malapit ako sa sister ko who’s staying with us in Laguna,” pagbabahagi niya.
Sobra namang thankful si Rozz sa suportang ibinibigay sa kanya ng mister sa kanyang karera.
“He knows that singing is my passion and I’m thankful for his support. He wants me to grow as an artist,” bulalas niya.
Ayon pa sa magaling na singer, marami raw siyang plano sa kanyang career ngayong nagpapakaaktibo siya sa bansa.
Isa na raw dito ang recording ng original Christmas songs na plano niyang i-release ngayong Nobyembre.
Kasama rin daw dito ang pagre-revive niya ng mga markadong OPM songs.
“Nakipag-meeting na kami ni Blessie (Cirera) kay Mon del Rosario for a possible revival of OPM songs. In-offer niya sa akin iyong” Boy” ni Timmy Cruz at “Somewhere In My Past” ni Julie Vega, “ani Rozz.”Pero noong malaman kong meron na palang nag-revive, sabi ko, ayoko na, ” dugtong niya.
Gayunpaman, may iba raw inialok sa kanya ang award winning composer na hindi niya matanggihan.
” Sabi niya, may song ako na bagay sa timbre ng boses mo.
Narinig kasi niya iyong rendition ko ng “Sasakyan Kita.” Sabi niya, pop rock ang genre mo,” bulalas niya.” So in-offer niya sa akin iyong isang komposisyon niya na kinanta ni Marissa noong 1982, iyong “Bulong ng Damdamin” na bagay daw sa boses ko at di pa nare-revive”, pahabol niya.
Tapos na rin ni Rozz ang recording ng “Ibang-Iba Ka Na” under EBQ Music na pinasikat noon ni Renz Verano.
Bet din niyang mag-revive pa ng iba pang Original Pinoy Songs.
Feel din niya ang bansagang Revival Queen.
“Why not,?” pakli niya.
Bukod sa kanyang upcoming projects ay tuloy pa rin daw ang kanyang
“The Rocks N Rozz Show” kasama ang kanyang team na kinabibilangan nina Monica, Lina Torregosa, Jerome Sangalang, Neli Legaspi at ng butihin naming entertainment editor na si Blessie Cirera.
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto rin daw niyang maka-collab ang iba pang tinitingalang OPM icons tulad ni Martin Nievera.