Advertisers
PINASISIBAK na sa serbisyo ni Philippine National Police Chief, General Debold Sinas ang opisyal na namumuno sa Drug Enforcement Unit ng Zamboanga City Police nang magpositibo ito sa droga.
Kinilala ang nagpositibo sa droga na si Maj. Jivertson D Pelovello, sinibak na sa pwesto at nagbitiw na sa Regional Personnel Holding and Accounting Section ng Police Regional Office 9.
Kasalukuyang nahaharap ang opisyal sa summary dismissal proceedings.
“Anybody who will test positive for drug use does not deserve to stay in the service any minute longer,” ani Sinas.
Noong Disyembre 18, 2020 nang isailalim sa mandatory surprise drug test ang 60 tauhan ng Zamboanga City PNP. Tanging si Pelovello lang ang nagpositibo sa droga.
Positibo rin siya sa confirmatory drug test nitong Enero 6, 2021.
“He was already disarmed and was slapped with appropriate administrative charges,” ani Sinas.
Halos 500 PNP personnel na ang nasibak sa serbisyo mula 2016 nang magpositibo sa iligal na droga.