Advertisers

Advertisers

2 SA TATLONG BAKLANG DINUKOT NATAGPUANG MGA BANGKAY!

0 809

Advertisers

BANGKAY na nang matagpuan ang dalawang bakla na naiulat na dinukot sa kanilang bahay sa Bacoor pero natagpuan ang mga labi nitong Martes sa Tagaytay City, Cavite.
Dakong 10:00 ng umaga nang matagpuan sa Barangay San Jose, Tagaytay City ang mga bangkay na positibong kinilala ng kanilang mga kaanak na sina Lino Quilaneta alyas Nicole at Mark Ian Endrina alyas Erika.
Samantala, pinaghahanap pa ang isa pang baklang nawawala na si Gleiar Bondoc alyas Ar-ar na kasama nilang dinukot sa kanilang bahay sa Bacoor City noong Disyembre 19, 2020.
Ayon sa saksi, madaling araw nang dukutin ang tatlong biktima.
Sa report, nakikipag-inuman ang tatlong biktima kasama ang tatlo pang kabataan sa Barangay Ligas Dos at ilang oras ay umalis si Erika.
Base sa sa ulat, sapilitang isinakay sa isang SUV sina Nicole at Ar-ar at mga kainuman nito.
Pagdating sa kalapit na subdivision kungsaan nakikipag-inuman sa pitong kalalakihan si Erika, sapilitan rin itong isinakay sa naturang SUV.
May nakuhang CCTV footage at makikita ang sasakyang ginamit ng mga salarin.
Sa salaysay ng binatilyong kasamang dinukot at kainuman ng tatlo, dinala sila sa parteng Las Piñas at pinaikut-ikot. Kalaunan ay pinababa at pinauwi silang lahat ng lalaki na kasama ng tatlong biktima.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon sa krimen ang pulisya.
(Irine Gascon)