Advertisers
SA palagay po ba ninyo mga KaBayang Basketbolista, kulang pa sa big men ang crowd favorite BARANGAY GINEBRA KINGS na kapapanalo pa lang ng kampeonato sa nagdaang PBA Bubble sa Clark, Pampanga 2020 PBA Season 45?
Target kasi ng GINS na makuha ang serbisyo ni CHRISTIAN STANDHARDINGER 6’7” at balik-team kung sakali si GREG SLAUGHTER 7-footer, para makatuwang nina JAPETH AGUILAR 6’8”, ‘JOE DEVANCE, 6’7”.
Pero may hint din na pwedeng sa sister team PUREFOODS MAGNOLIAmakalaro si CHRISTIAN.
Hindi masama kung patuloy pang magbalanse ng koponan si Champion Coach TIM CONE para sa susunod na kampanya sa kampeonato ng PBA Season 46 na inaasahang aariba sa Abril 9 (Bataan Day at Araw ngKagitingan). Of course, sa PHILIPPINE CUP magbubukas ang liga na1-conference season lang nitong Season 45 dahil sa restrictions ngpandemic period. Sisikapin daw ni Commissioner WILLY MARCIAL na maging 3-conference season ang liga ngayong 2021.
SALPUKAN NG PBA STARS SA AWARDING
Gaganapin ang PBA Awards Night sa Linggo, January 17 at mag-aagawan sa titulo bilang Best Player of the Conference ng Season 45 sina BOBBY RAY PARKS, JR., STANLEY PRINGLE, ROGER POGOY, CALVIN ABUEVA, CJ PEREZ, at MATTHEW WRIGHT. May the best cager win!
Dahil 1-conference ang PBA Bubble. BPC lang, walang MostValuable Player (MVP), may Outstanding Rookie (sa halip Rookie of theYear) Outstanding/Elite Five (Mythical Five), Most Improved Player atSAMBOY LIM’s sportsmanship award. Surprising na ‘in’ si ABUEVA sa sportsmanship award. Mabait na si ‘The BEAST’ sa court, bangis sa laro na ang lutang. E, di wow!
BAWAS-KOPONAN
May usok na posibleng mabawasan ang 12 teams ng PBA dahil nagbabalak magbenta ng franchise ang alinman sa teams na BLACKWATER,RAIN OR SHINE, TERRA FIRMA at ALASKA. Alin sa kanila? Teka lang, independent teams ang apat na koponang nabanggit. For sure, type parin ng PBA crowd na independent din ang papasok kung mabenta angalinman sa teams. Mas exciting pa rin kung hindi lahat sister teams ang bubuo ng liga.
Self-explanatory kung may mga nagbabalak magbenta dahil ang negosyo ngayong pandemic, karamihan lugmok o bawas-kitang maliwanag.
Sa laki ba naman ng suweldo ng players, hindi basta lang ang mag-alagang franchise. Tanong, nakabawi kaya ang team na buo ang bigay na salary kahit isang conference lang yun? Whatever, loaded po tayo sa mga kaabang-abang!
JANUARY CHEERS
MANY HAPPY RETURNS of the day to SMB PRES,/COO RAMON S.ANG, to Chief MARVIN CAPCO, CRYSZYLL JOYCE “CJ” SANTOS and EDISON‘BING’ MALABANAN of Mandaluyong Public Information Office, to NIKKOE SPENIDA, DR. ELENITA LOIDA A. PEDROSA, CHRIZELLE JANE C. SANTOS, JASON S. TALA, ANGELA JEAN CALVO, REYNIEL RAMOS and RACHEL ANNCUNANAN. Best blessings be with you all. HAPPY READING!