Advertisers

Advertisers

3 HELIKOPTER NI ZALDY CO ALISIN SA REHISTRO PARA MAIBENTA

0 13

Advertisers

SINUBUKAN i-deregister sa Pilipinas ang tatlong helikopter ng mga kompanyang konektado sa nagbitiw na si Ako Bicol party-list Representatuve Elizaldy “Zaldy” Co, ayon kay Public Works and Highways Secretary Vince Dizon.

Natanggap aniya ang impormasyong ito mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

“Nakatanggap ulit ako ng bagong report sa CAAP. Mayroong tatlong chopper na sinubukang i-deregister ng iba pang kumpanya na nakakonekta kay Congressman Zaldy Co, tatlong chopper ito,” ani Dizon sa panayam ng mga reporter nitong Martes, Setyembre 30.



“Ang pagkakasabi sa akin ng CAAP, kaya ‘yun dine-deregister ay may plano silang ibenta dahil hindi mo maibebenta at hindi mabibili ng gustong bumili nu’n kung hindi i-deregister sa Pilipinas,” dagdag pa niya.

Ang maganda, aniya, ay napigilan nila ang pag-deregister ng mga chopper.



Dagdag pa ni Dizon, may utos na ang CAAP na lahat ng air assets na natukoy nila kay Co ay hindi puwedeng i-deregister.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">