Advertisers

Advertisers

MUNTINLUPA PINARANGALAN SA 2025 MOST BUSINESS-FRIENDLY LGU AWARDS

0 19

Advertisers

Isa na namang karangalan ang natanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa matapos nitong tumanggap ng Special Citation sa 2025 Most Business-Friendly Local Government Unit Awards sa ginanap na 51st Philippine Business Conference & Expo noong Oktubre 20.

Ang pagkilalang ito mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ay patunay sa patuloy na inisyatiba ng lungsod sa pagpapadali ng mga proseso para sa mga negosyante sa pamamagitan ng innovation at digital transformation.

Kabilang sa mga pangunahing hakbangin ng lungsod ang Business e-Payment System (BESt) — isang ganap na automated platform para sa online payment ng buwis at bayarin — at ang Single-Window Transaction (SWiT) na nagpapabilis sa proseso ng aplikasyon ng business registration sa isang mas maginhawa at episyenteng sistema.



Ipinahayag ni Mayor Ruffy Biazon ang kanyang pasasalamat sa PCCI sa pagkilalang ito, na aniya’y bunga ng sama-samang pagsisikap ng pamahalaan at pribadong sektor upang mapabuti ang kapaligiran para sa negosyo sa Muntinlupa.

“Ang layunin natin ay hindi lang mapabilis ang proseso ng mga negosyo, kundi makalikha rin ng mas maraming dekalidad at nakabubuhay na trabaho para sa ating mga kababayan,” ani Biazon. (CESAR MORALES)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">