Advertisers

Advertisers

Inday Barretto sumabog: Binuking ang pananakit at panggagahasa ni Raymart kay Claudine, winarningan din si Jodi Sta. Maria

0 30

Advertisers

SUMABOG na si Inday Barretto sa umano’y pananakit, pambubugbog, panggigipit, at panggagahasa na ginawa ni Raymart Santiago sa kanyang anak na si Optimum Star Claudine Barretto.

Sa guesting nito sa Ogie Diaz Inspires (Youtube channel), emosyonal na ibinahagi ni Inday ang mga karanasang pinagdaanan ni Claudine habang kasal pa sa aktor.

Ayon kay Inday, buong puso raw nilang tinanggap si Raymart bilang bahagi ng pamilya Barretto noong ikinasal ito kay Claudine. Ngunit sa halip na alagaan, aniya, “Sinaktan mo na ang anak namin, ninakawan mo na, parang hindi ka pa nakuntento.”

Nakita rin umano ni Inday ang pagkakataong lumuhod si Claudine sa harap ni Raymart para lang pirmahan nito ang dokumento.

“Nang makita ko ‘yon, tumindig ako. Walang lalaking magpapaluhod sa anak ko,” giit ni Inday.

Naawa raw si Inday kay Claudine dahil ang ipinakikiusap nito kay Raymart ay para sa mga anak lalo’t ang mahal ng tuition ni Santino.

Kwento pa niya, minsang tumawag sa kanya si Claudine habang umiiyak at nagsasabing hurry up mommy.

At pagdating umano ni Inday sa bahay, sinalubong siya ng anak na tila wala sa sarili at sobrang lamig. Nag-collapse ito.

Itinanggi naman ni Inday ang mga paratang sa anak na gumamit ito ng ipinagbabawal na gamot. “Hindi siya adik. Ginawan lang ng kuwento para pagtakpan ang kasalanan,” paglilinaw nito.

Matagal umano siyang nagtimpi sa mga pangyayari. “Tinuring naming anak si Raymart, pero hayop ang ginawa niya sa anak ko.”

Matatandaang nagpakasal sina Claudine at Raymart noong Marso 2006 at naghiwalay noong 2013. May apat silang anak, sina Santino, Sabina, Quia, at Noah.

Samantala, kasabay ng babala kay Raymart, winarningan din ni Inday ang karelasyon umano nito ngayon na si Jodi Sta. Maria.

Aniya, dapat mag-ingat ang aktres sa pakikitungo kay Raymart dahil baka siya ang next victim.

“I’m not gonna say good luck to her, I’m just gonna pray for her. Proceed at your own risk,” ani Inday. “When Jodi stops being Jodi Sta. Maria, she’ll lose not only Raymart, she’ll lose everything.” “Bahala siya, I’m speaking from experience,” babala pa nito kay Jodi.

Matatandaang September 2020 nalantad ang relasyon nina Jodi at Raymart dahil sa kumalat na sweet photos nila na kuha sa isang private place sa Alabang na agad din namang inamin ng aktor ang kanilang relasyon.

Sa paglabas ng video, agad naman naglabas ng statement ang kampo ni Raymart sa pamamagitan ng Calleja Law Firm at itinuring na “untruthful and slanderous” ang mga akusasyon ni Inday.

May kaugnayan umano ang mga paratang sa lupang ibinenta ni Claudine nang walang pahintulot ni Raymart. Pinapaalalahanan din nila ang pamilya Barretto na umiiral pa rin ang gag order mula sa Mandaluyong Family Court simula pa noong Setyembre 2023.

Sa huli, nanindigan si Inday na ipaglalaban niya ang anak hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. “I will not die until I finish this.” “Ang Diyos ni Raymart ay si Satanas, pero ang Diyos namin, nasa taas. He will get what he deserves.”