Advertisers
Ni Beth Gelena
Nagreak si Anne Curtis sa espekulasyon ng netizens na siya ay buntis pagkatapos na magviral ang kanyang pagsasayaw after ng kanyang fashion journey.
Nasa New York ang TV host actress para manood ng Victoria’s Secret Fashion Show.
After that, ay inaliw niya ang sarili sa pamamagitan ng sayaw kung saan siya ay nasa kalye na iba’t iba ang kasuotan.
Aniya sa kanyang post, “Danced my way around the city. Song on repeat this whole trip #VSfashionshow.”
Agad na nagviral ang dance number ni Anne, kaya lang may nagkomento na tila preggy ang It’s Showtime TV host.
“Baby bump?” komento ng netizen.
Agad namang nagreak si Anne na idinaan niya sa kanyang signature humor, “more like pizza bump.”
May mga sumunod pang komento, “Baby is waving congratulations ate.”
Ani Anne, “lol tumaba lang baby agad?” pagkaklaro ni Anne na wala siyang ini-expect na second baby.
Ayaw.pa ring tantanan ang misis ni Erwan Heussaff.
May nagtanong, “Buntis ba si Anne?”
Direktang sagot ng celebrity mom, “Hindi. Busog lang beh.”
Ang kanyang mga witty replies shut down the pregnancy rumors and earned praise from fans who appreciated how she handled the speculation with honesty and humor.
***
SHOAF HIDALGO GAGAMPANAN KARAKTER NI JC BONNIN SA ‘BAGETS THE MUSICAL
Sasabak na rin sa teatro ang dating bata noon na nasa programang Team Yey!, si Sam Shoaf sa ‘Bagets The Musical’
Sumali rin siya sa The Voice Kids Season 2.
20 years old na ngayon si Shoaf na anak ng dating singer na si Arnee Hidalgo, ang kapatid ng singer/actor na si Jeffrey Hidalgo.
From TV ay pinasok na rin ni ni Sam ang teatro.
Ibinahagi niya ang kanyang role sa “Bagets The Musical,” kung saan ang role niya ay si Topee, na karakter ni JC Bonnin sa pelikulang Bagets noong 1984.
Sa isang panayam ay natanong siya kung anong parte ng personality ni Topee na similar sila.
Ani Shoaf, “I watched the movie tapos nakita ko si Topee mahilig po talaga siya sa mixed martial arts. So that’s I guess something na we have something in common.”
“I do martial arts pero hindi po professionally parang hobby lang and also I love watching it. So ‘yon po like we both love martial arts.”
Ayon pa sa young actor, ang laki raw ng difference from acting on screen.
“It’s a completely different universe sa theater compared sa TV and all. Grabe po talaga ‘yung preparations na ginagawa namin from the workshops. We started doing workshops recently, ‘yung mga exercises po talaga it is super different, like completly different blood talaga compared to TV. And everything is just so much exagerated, you have to be more open.”
“Definitely it’s a good learning experience as a TV actor going into theater so super surreal, very excited po talaga,” sey pa niya.
Ang Bagets The Musical ay mapapanood mula January 23 hanggang March 2026 sa Newport Performing Arts Theater, directed by Maribel Legarda.
***
ALDEN KUSANG NAGPRESENTA NA GUEST SA CONCERT NI JONA
Ibinunyag ni Jona na ni-waive ni Alden Richards ang kanyang talent fee para sa guesting sa nalalapit na concert ni Jona.
Mismong sa singer nanggaling na libreng magpe-perforn ang Asia’s Multimedia Star.
Dating magkasama sa isang istasyon si Jona at Alden, pero kahit lumipat na ang singer sa kabilang istasyon ay tuloy pa rin ang kanilang pagkakaibigan.
Sa isang panayam kamakailan, ibinahagi ng mang-aawit na napaka-supportive ng aktor sa kanyang career.
Magkakaroon ng big concert ang singer, titled Jona Journey To The Arena.
Nagpresenta raw si Alden na dapat ay maging bahagi siya ng career milestone ng kaibigan.
Sobrang nagpapasalamat ang singer sa gesture ng aktor.
Lalo siyang natuwa nang hindi nito tinanggap ang TF.
Wika raw ng aktor, “Guest mo ako dyan ha, di ako pwedeng mawala d yan ha.”
Tuloy walang masabi si Jona na talagang napakabait daw na kaibigan ang isang Alden Richards.
Umaasa ang singer na makakapag-record sila ni Alden ng kanta balang araw. Pinatunayan ng actor-direktor ang pagiging mapagpakumbaba kahit isa na ito sa pinakamalaking bituin sa industriya ng entertainment.
Nagtanong kay Jona kung sasayaw ba si Alden sa kanyang concert, “Baka hindi po muna kasi walang bayad eh,” natatawang sabi ng singer.