Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Malaki ang agwat ng edad nina Coco Martin at Julia Montes pero hindi ito naging hadlang para mamukadkad ang kanilang romansa.
Ani Julia, noon daw ay nagkita na sila ni Coco sa isang event at nagparamdam na ito sa kanya.
“Nagkatrabaho kami way back–– syempre mahiyain ako–– gusto ko na siya physically, pero hindi niya alam,” pagsisiwalat niya.
Nagkaroon lang daw sila ng pagkakataong maging close sila sa isa’t-isa nang gumawa sila ng teleserye together sa ABS-CBN.
Hirit pa niya, crush daw niya talaga noon ang bida ang “FPJ’s Batang Quiapo.”
Pagbabahagi pa niya, pumupunta raw siya noon sa iba’t-ibang simbahan para humingi lang ng sign o guidance kung ang aktor ang itinakda sa kanya.
“Kapag siya ‘yung para sa akin, mag-work; pero ‘pag hindi, ‘wag na kasi ayoko… Hanggang sa eventually, kada pray ko, wala, binibigay ni Lord. Up to now, kami pa rin. Thank you Lord!” sey niya.
Sa panayam sa kanya sa vlog ni Jodi Sta. Maria, inamin din niya na si Coco ay answered prayer para sa kanya.
Dahil wala namang nakagisnang ama, bet daw niya noon ang isang taong mag-aalaga sa kanya.
Sey pa niya, para raw real-life fairy tale ang kuwento ng kanilang pag-iibigan.
“Kasi para sa akin, para siyang fairytale. Nasabi ko na sa past interview na parang knight in shining armor ko siya kasi syempre lahat naman tayo nung kabataan, may phase ka talaga na parang maggi-give up ka sa life. Ang prayer ko lang kay Lord, specifically, ‘Lord pagod na ako mag-alaga, gusto ko naman ako ‘yung alagaan.’ Tapos ito na siya–– Coco Martin,” aniya.
Sa naturang panayam, inamin din ni Julia na proud siya na maging katuwang ni Coco sa kanyang bagong role bilang co-producer ng top-rating serye ng aktor.
Dahil sa sobrang busy daw ni Coco, siya ang nag-o-oversee ng ibang aspeto ng produksyon tulad na lamang ng pananalapi.