Advertisers
By Anne Venancio
Ibinahagi ni actress-turned-politician Aiko Melendez na sumailalim siya sa thyroid biopsy matapos ang kanyang thyroid health concerns.
Sa kanyang mga post sa Facebook, sinabi ni Aiko na mahalaga ang regular na pagpapatingin at pakikinig sa mga senyales ng katawan. Ayon sa aktres, mayroon na siyang history ng thyroid problems at inamin niyang nagkamali siya nang itigil ang pag-inom ng kanyang gamot noon.
Sumailalim din si Aiko sa thyroid scan na nagpakitang benign ang kanyang thyroid nodules. Gayunman, hinihintay pa rin niya ang resulta ng biopsy upang makumpirma ang kanyang kondisyon at malaman ang tamang hakbang para sa kanyang gamutan.
Ipinaliwanag ni Aiko na magkaiba ang layunin ng thyroid scan at biopsy. Sinusuri ng biopsy ang cells mula sa thyroid nodules upang matukoy kung benign o malignant, habang ipinapakita naman ng thyroid scan kung paano gumagana ang thyroid gland at ang mga nodules.