Advertisers

Advertisers

Bong Go kina PRRD, Sotto: Magkaisa para sa COVID-19 vaccination program

0 226

Advertisers

UMAPELA si Senator Christopher “Bong” Go kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senate President Vicente Sotto III na magkaisa alang-alang sa agarang implementasyon ng national vaccination program laban sa COVID-19.

“Alang-alang po sa kapakanan ng ating bayan at ng mga mahihirap nating kababayang Pilipino, I am appealing to President Duterte and to Senate President Sotto na magkaisa na lang po tayo para makapag-umpisa na po ng pagbabakuna,” ani Go.

“Sinagot lang po ng Pangulo kung ano po ang nabasa niya sa isang column. Hindi ko naman kontrolado ang nasa isipan ng ating Pangulo,” ang paliwanag ng senador.



Kaugnay nito, inanunsyo ni Go na inatasan na ni Pangulong Duterte si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ilabas na ang detalye ng vaccine agreements kay Senate President upang maalis ang paghihinala at magkaroon ng transparency sa isinasagawang proseso sa pagbili ng bakuna.

“Kausap ko po si Pangulo, at inatasan niya si Secretary Galvez na ipaalam po ang kasunduan kay Senate President Sotto, at nagkausap na rin po kami ni Senate President ukol dito, para magkaroon po ng transparency,” ani Go.

Hiniling din niya kay Secretary Galvez na ipaliwanag sa publiko ang ginagawang proseso ng gobyerno sa pagsisikap na magkaroon na ang bansa ng vaccines upang maalis ang mga takot at pagdududa.

“Para wala nang duda. The more na hindi tayo magkasundo dito, the more maantala, the more matatagalan,” sabi ng senador sa mga mamamahayag.

“Kawawa ‘yung Pilipino. Hindi tayo magkasundo dito sa taas, ‘yung nasa baba ‘yung nagiging apektado at kawawa. Nag-suggest nga ako kung pwede niyo ba ihayag,” dagdag niya.



Gayunman, sinabi ni Go na nauunawaan niya ang pag-aalinlangan ni Galvez na ibahagi ang mga impormasyon sa pagbili ng bakuna dahil baka malabag aniya ang confidentiality agreements na itinakda ng vaccine manufacturers, gaya ng nangyari sa Malaysia.

“Kasi takot si Secreatry Galvez, sinabi niya ay baka ma-violate niya katulad ng nangyari sa Malaysia. Nakapag-violate sila ng non-disclosure agreement, eh, na-terminate ‘yung kontrata. Lalong natakot, ayaw ng makipag-usap ng supplier,” ani Go sa pagsasabing nag-iingat lamang si Galvez para maka-secure na ang Pilipinas ng vaccines.

“So, talagang nahirapan din po si Secretary. Trust na po ito sa gobyerno. Trust na po kay Pangulo ‘pag sinabi niya,” ani Go.

Kaugnay naman ng safety at efficacy issues ng vaccines, sinabi ni Go na ang mga medical at health experts lamang ang makapagsasabi nito.

“It is up to our medical health experts. Si President po ay nagre-rely din po sa ating medical health experts kung safe ba ito, kung pwede ba iturok o ‘di pwede. Kapag sabihin ng FDA (Food and Drug Administration) na safe. Pero ‘pag sinabi ng FDA na hindi, ‘di po tayo papayag,” ayon sa senador. (PFT Team)