Advertisers
ARESTADO ang isang tulak ng droga sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Sa ulat ni P/Lt. Sherwin Dascil, OIC chief ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Valenzuela City Police chief P/Col. Joseph Talento, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Ryan”.
Una nang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng SDEU hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas Ryan.
Nang makipagtransaksyon sa suspek ang isa sa mga operatiba ng SDEU, agad nilang ikinasa ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA.
Matapos bentahan ang mga operatiba ng SDEU ng P7,500 halaga ng shabu, ala-1:10 ng madaling araw sa Gozales St., Brgy. Malanday, pinosasan ang suspek.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000, at buy bust money .
Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 11 at 5 sa ilalim ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)