Advertisers
Pilit pa ring pinagtatanggol ni Usec.Claire Castro itong si BBM makaraang muntik nang atakihin ito sa puso nang marinig ang dapat sanay pahayag ng nagresigned na mambabatas na si Zaldy Co sa SENADO via zoom.
Sa hindi pa malamang kadahilanan,hindi pinayagan ni Senate Blue Ribbon Committee chair Ping Lacson ang nakatakdang pagpapahayag ni Zaldy Co sa naturang komite.
Sa halip,inilabas ni Co ang three (3) part video na nagtuturo kina Bongbong Marcos at sa pinsan nitong si dating Speaker Martin Romualdez bilang mga masterminds ng Php100 bilyong pisong budget insertion.
Sinabi pa ni Co na siya ay napag- utusan lamang at ngayon ay ginagawang sacrifice lamb ng mga tunay na salarin.
Sinabi rin NI Co na matatapang lamang ang hiya ng magpinsang Marcos at Romualdez na magnakaw sa bayan pero urong naman ang mga BAYAG ngayong nagkabistuhan na!
Samantala,tunghayan po natin ang kabuuang pahayag ni Co makaraang
maglabas ng Part 3 statement video ang dating Ako Bicol Representative nitong araw ng Linggo, Nobiyembre 16.
Sa naturang video, nanawagan ang dating mambabatas sa Senado na imbestigahan ang umano’y P100 billion budget insertions ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil naniniwala siya sa kakayahan ng Mataas na Kapulungan para maibunyag ang katotohanan.
Matatandaan, sa naunang video na inilabas ni Co, inakusahan niya ang Pangulo na nag-utos umanong isingit ang daang-bilyong halaga sa 2025 national budget.
Sa ikalawang video, sinabi ni Co na napunta lahat ng P100 billion budget insertions sa Pangulo at kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Speaking of INC rally,naglabas naman ng press release ang sinungaling na si Claire Castro na nasa Malacanang lamang si BBM buong araw ng Linggo at mino- monitor ang mga kaganapan sa isinasagawang rally ng INC at iba pang grupo.
Pero hindi binanggit ng propagandistang sinungaling ang mood ni Bongbong Marcos nang buong araw na iyon.
Hindi inihayag ni Castro ang kabuuang itsura ng kanyang amo na kulang na lang ay himatayin sa takot.
Daig pa ni BBM ang isang asong nabahag ang buntot at isinisiksik ang ulo sa palda ni Liza Marcos panabay ang maya’t mayang pagtungga ng alak.
No mention din ang tensyong umiiral Ng araw na iyon makaraang magkaroon ng sampalan blues sa harap ng mga taong- naroon sa Malacanang.
Sino ang nanampal at sino ang sinampal remains untold at pilit na pinagtatakpan ng PCO.
Dumagdag pa sa panic ni Marcos Jr.ang squable sa pagitan ni ES Lucas Bersamin at ng Remulla brothers,Ombudsman Bondying este Boying pala at SILG Jonvic Remulla.
Hindi rin sinabi ni Claire Castro sa mga miyembro ng Malacanang Press Corps ang di natuloy na paglipat ni Customs Commissioner Ariel Nepumuceno bilang bagong Kalihim ng DOTr makaraang magbantang magre- resign si DPWH Secretary Vince Dizon kapag tinuloy ng Malacanang ang pagsibak kay DOTr Sec. Giovanni Lopez na kanyang protege’ at bata- bata.
Ayon sa ating mga sources,tensyonado ang buong maghapong ng araw ng Linggo at kahapon kung saan inaasahang magbibitaw sa kanyang tungkulin si ES Bersamin dahil.nga sa hidwaan nito sa mga Remulla at kabila- kabilang palpak na desisyon ni Bongbong Marcos na madalas umanong lasing at wala sa sarili.
Mukhang sadyang palubog na talaga ang barko ni El Kapitan Bongbong Marcos!
A few good men like Vince Dizon and ES Bersamin keep it afloat pero paano na kung tuluyang na ang mga itong magbitiw?
Sabi ng makakating dila,si Liza Araneta Marcos daw ang may kasalanan!
Pilit kasing sumasawsaw sa trabaho ni BBM at pinipilit isaksak sa gabinete ang sarili niyang mga lalake este tao pala.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com