Advertisers
SINASAMANTALA ng mga sugapa sa sugal ang pagkaabala ng PNP ngayon sa kaliwat-kanan na mga rally sa ibat-ibang lugar.
Sandamakmak na sumbong ang pinarating sa pitak na ito tungkol sa mga sugal lupa na pinag-piyestahan gabi-gabi ng mga adik at sugarol maging ng mga kabataan sa lalawigan ni Rizal Governor Nini Ynarez.
Nangunguna riyan ang STL bookies, tupada, jueteng, color games at drop ball baraha sa mga pergalan o perya-sugalan na matatagpuan sa may Riverside Barangay San Jose (Rodriguez) Montalban, Mambugan Antipolo, Poblacion ng Angono, Tanay at Binangonan.
Sumbong sa akin, walang patid ang gabi-gabi ang pinag-piyestahang sugal sa Perya kaya hindi makatulog ang mga residente sa ingay.
Bukod sa pustahan ng pera, maging ang shabu ay ipinupusta na rin umano dahil ayon sa reklamo naispatan ng mga residente ang ilang kilalang tulak sa kanilang lugar na naka tambay gabi-gabi sa mga peryahan.
Hinala ng nagsumbong sa akin, may mga pulis din na sumasawsaw sa mga ilegal na sugal at pagtutulak ng droga.
Acting PNP chief Police Leutenant Gen. Melencio Nartatez Sir, pakialpasan ang mga bataan mong pulis sa Camp Crame para haribasin ang sumbong ng mga residente dahil sa tingin ko nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan ang mga pulis diyan.
Ilang beses na rin nating pinarating ang reklamong ito kay Rizal PNP Provincial Director PCol Feloteo Gonzalgo subalit tahimik lang ito.
Ang kaya ang dahilan ng pananahimik ni Col Gonzalgo laban sa iligal na sugal at droga?
Sinabi ng mga nagrereklamo na kaya tumaas ang krimen sa kanilang lugar dahil sa bisyong sugal at pagkalulong ng mga sugarol adik at kabataan.
May kasunod pa!
***
Reaksyon at Suhestiyon i-text sa 0936-8625001/0939-7177977 o di kaya mag-email sa balyador69@gmail.com