Advertisers

Advertisers

CONG. ZALDY CO UMUWI KA NA LANG MUNA SA PINAS PARA PATOTOHANAN MGA KWENTO MO

0 279

Advertisers

Walang kamatayang KWENTO ang mangyayari laban sa mga taong inaakusahan mo kung hindi ka rin lang lulutang dito sa PINAS.

Dito sa PINAS ang tamang forum kung saan mo dapat ibulgar ang mga isyung sinasabi mo na kung saan dapat mo ring sumpaan dahil sobrang sensitibo ito.

Kung may banta man sa buhay mo ay hindi mo ito kailangang pangambahan dahil sa Ikaw kamo ay malinis at nagamit lang.

Hindi ka naman siguro babarilin NG MGA taong may banta sayo dahil ito ay katalunan nila bagkus Ikaw ay magiging bayani pa na kikilalanin ng sambayanang Pilipino.

Siguro naman ay bibigyan ka ng matatag na seguridad ng gobyerno sa iyong paglapag dito, hindi ba?

Kamakailam ay binulgar ni Bicol Ako party list Representative Zaldy Co sa Amerika ang mga taong nasa likod ng corruption na kung saan bilyong PISO ang NINAKAW sa kaban ng bayan.

Ang mga taong tinutukoy niya dito ay mismong ang PANGULONG Bong Bong Marcos at former Speaker Martin Romualdez na umanoy mga utak at ugat ng corruption

So PBBM umano ang nag-utos kay Romualdez ng insertion ng bilyong PISO sa Flood.Control Project sa ilalim ng Department of Public Works ang Highways (DPWH).

Ito rin aniyang dalawang ito ang nag-utos sa kanyang manatili muna sa Amerika habang ina-ayos pa ang imbestigasyon hinggil sa corruption sa bansa.

Wala daw siyang kamalay-malay na siya na pala ang ginagawang pamato at sample ng gobyerno upang sugpuin ang corruption.

Sa tagal daw ng pagsasama nila ni Romualdez, hindi niya akalaing gagawin ito sa kanya samantalang lahat naman daw ng inutos nito ay ginawa niya bilang head ng Committee on Appropriation kasama na ang mga insertion sa kung sino-sinong Congressman.

Dahil dito, nawalan na daw siya ng tiwala kay Romualdez at sa pinsan nitong si PBBM na siyang nagdikta kung papaano ang gagawin.

Sa puntong ito, sinabi ni Co na handa na daw niyang isiwalat ang lahat ng kabulukan ni PBBM at ni Romualdez kung bibigyan siya ng pagkakataon.

Sa kanya daw kalagayan ngayon, hindi maiaalis sa kanya ang takot at pangamba sa kanyang buhay at pamilya

Malaki at ma-inpluwensiyang mga tao daw ang kanyang babanggain. Maliban dito hawak din ng mga ito ang ilan mga institution tulad ng Kongreso, Senado lalo na ang Ombudsman.

Ang payo naman ng ilang eksperto ay dapat siyang UMUWI muna ng PINAS upang harapin ang mga isyung binabato sa kanya at Saka niya naman ibulgar ang kanyang nalalamang baho ng gobyerno

Hindi nga naman pwedeng puro KWENTO ang kanyang gawin dahil ito’y walang KWENTA at wala ring sustansiya.

Kailangan nga namang sumpaan niya ang lahat ng kanyang sina-sabi sa anumang korte o committee bago pa ito magkaroon ng saysay.

Pakita na rin niya ang natitira pa niyang tapang, katapatan at higit sa lahat ang kanyang prinsipyo na kailan may pwede niyang ipagmalaki.

Hindi naman siguro siya pababayaan ng taumbayan na ngayo’y nagngingitngit din sa galit dahil sa malawakang corruption na nasa loob mismo ng gobyerno.

HILA MO DAPAT BUNTOT MO… NO GUTS, NO GLORY!!!!