Advertisers

Advertisers

TRANSPARENCY PORTAL, ARMAS VS CORRUPTION — PBBM

0 14

Advertisers

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pinakamalinaw na aral mula sa malawakang imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects ay ang matinding kakulangan ng transparency sa pamahalaan.

Sa paglulunsad ng DPWH Transparency Portal, sinabi ng Pangulo na panahon nang buksan sa publiko ang lahat ng datos upang mahinto ang pagtatago ng mga “kalokohan” sa likod ng mga proyekto.

Binanggit ng Pangulo ang insidente kung saan pinigilan umano ang isang gobernador na inspeksiyunin ang flood control project, patunay na aniya’y umabot sa “napakasamang” antas ang kawalan ng pananagutan.

Sa ilalim ng bagong portal, maaaring makita ng kahit sinong mamamayan ang contractor, halaga, photo updates, geotag locations, procurement process, at maging satellite images ng bawat proyekto.

Ayon sa Pangulo, “sunlight is the best medicine,” at ang pagbubukas ng lahat ng impormasyon ay kinakailangang hakbang upang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno.

Dagdag pa niya, hindi lamang ito website, kundi isang digital na pader laban sa korapsyon. (Gilbert Perdez)