Advertisers
Swak sa piitan ang 43-anyos na driver makaraang mahuli sa akto ng kaniyang misis na nakikipag-lampungan sa kalaguyo nito sa mismong loob ng kanilang tahanan sa Novaliches, Quezon City, nitong Linggo ng gabi.
Kinilala ang suspek na si James Andre Semana Canon, 43, driver, at naninirahan sa No. 322 Villa Verde Ave., Villa Verde Homes, Brgy. Sta. Monica, Novaliches, sa lungsod.
Sa report ni PSSg Joanna N Martinez ng Pasong Putik Proper Police Station PS-16 ng Quezon City Police District (QCPD), 6:00 ng gabi (January 24), umuwi si Jhovie Canon, 40, sa kanilang tahanan kasama ang anak na lalaki matapos mamili sa SM Mall.
Sa pagbukas ng pintuan ni Jhovie, nagulantang ito nang makita ang kaniyang mister na si James na nakikipaglampungan sa isang babaeng sinasabing kalaguyo na nakilalang “Aiko”.
Pinagsisigawan ni Jhovie ang babae at dahil sa matinding galit tinangkang atakehin ito ng ginang pero nang kaniyang lapitan ang umanoy kalaguyo agad siyang inawat ng mister at sinampal.
Dahil dito, umalis ang ginang at ipinaaresto sa pulisya ang kaniyang mister.
Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9262 o the Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.(Ernie Dela Cruz)