Advertisers

Advertisers

PCG sa mga deboto, maging alerto at sumunod sa mga alituntunin sa Traslacion

0 11

Advertisers

Maging alerto at sumunod sa mga alintuntunin ng ibat ibang units ng pamahalaan kaugnay sa idaraos ng Traslacion ,panawagan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ang panawagan na ito ay upang ma idaraos ng payapa ang prusisyon kasabay ng Kapistahan ng Jesus Nazareno na inaasahang dadaluhan ng higit sa walong milyong mga deboto.



Kaugnay nito, nagtalaga ang PCG ng higit sa 300 unipormadong personnel para makatuwang ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Manila City Local Government Unit at iba pa, para tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa idaraos na pinakamalaking religious gathering bukas.

Kabilang sa mga lugar na tututukan ang Quirino Grandstand, Jones Bridge, Ayala Bridge, at sa paligid ng Quiapo Church para magbigay suporta sa crowd management at emergency response operations, ayon kay PCG Spokesperson, Capt Noemi Cayabyab.

Dagdag pa ni Cayabyab na nagdeploy na rin ng mga medical teams, K9 dog units, search and rescue teams, Explosive Ordnance Disposal forces, Special Operations Groups, Civil Disturbance Management teams, at Deployable Response Groups na handang magresponde sa mga emergency cases maging sa maritime incidents. (Jocelyn Domenden)