Advertisers
NAKAPAGTALA muli ang Department of Health (DOH) ng mataas na bilang ng bagong kaso ng Covid-19 na nasa 2,245 nitong Miyerkules, Enero 27.
Samantala ay mayroon namang naitalang 140 na gumaling at 95 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.2% (32,384) ang aktibong kaso, 91.7% (475,542) na ang gumaling, at 2.02% (10,481) ang namatay.
Ang Baguio City na kalapit probinsya ng Bontoc Province kung saan natukoy ang iba pang kaso ng UK variant ay nakapagtala ngayong araw ng 121 na kaso.
Gayundin ang Cebu City ay nakapagtala rin ng kaparehong bilang ng kaso.
Ang Davao City naman ay 102 kaso habang ang Quezon City ay mayroong 87 at 81 naman sa Pangasinan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)