Advertisers
Patay sa intensive care unit nitong Sabado ang 21-anyos na lalaki ng mahulog sa construction site ang sinasakyan nitong Honda CR-V sa Manila East Road, Brgy., Lagundi, Morong Rizal.
Ayon kay Pat. Dan David Gacer, kinilala nito ang nasawi sa aksidente na si Dominic Espinida Laguda, 21-anyos ng Baras Rizal habang ligtas na ang Ina nitong si Mirna Laguda 45-anyos.
Habang kapwa naman ligtas ang driver ng Honda CR-V XEV-305 na si Wilson Laguda at driver ng Isuzu owner type jeep DNF-435 na si Dennis Tiratira de Ungra 52- anyos ng nabanggit na bayan.
Nauna rito, dakong 5;30 ng umaga ng nangyari ang insidente, mabilis umano ang takbo patungong Morong ang Honda CR-V ng bumangga ito sa dyip na patungo naman ng Baras at lumusot sa nakalagay na barrier ng konstruksyon at tuluyang nahulog sa butas ng konstruksyon.
Dagdag ni Pat. Garcer, walang isinampang kaso ang pamilya ng biktima dahil mayroon umano itong amicable settlement.
Wala din umanong liability ang kumpanya ng konstruksyon na hindi nito binanggit ang pangalan.
Personal na nasaksihan ng sumulat nito walang nagtatrapik na tauhan ng konstruksyon sa highway kung saan gumagawa ng butas patawid sakabilang kalsada.
Ayon sa ilang commuter’s, dapat may bantay na nagtatrapik sa konstruksyon at paano umano ito nabigyan ng permit to operate. (Edwin Moreno)