Humingi ng pasensiya sa pagtulong kay BBM maging presidente…VP SARA: TATAKBO AKONG PRESIDENTE SA 2028!
Advertisers
INANUNSYO nitong Miyerkues ni Vice President Sara Duterte na tatakbo siya bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na halalan.
Sa kanyang pahayag, sinabi niya: “I offer my life, my strength and my future in the service of our nation… Mga kababayan, ako si Sara Duterte, tatakbo bilang pangulo ng Pilipinas.”
Ang anunsyo ay inilabas sa gitna ng mga kontrobersiya, kabilang ang tatlong impeachment complaints na nakasampa laban sa kanya sa House of Representatives, na kontrolado ng mga kaalyado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kamakailan, inilunsad sa Cebu ang “Tatay Digong for Inday Sara Movement 2028”, na layong ipakita ang suporta sa kanyang kandidatura at pagpupugay sa pamumuno ng kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
VP Sara humingi ng pasensiya sa pagtulong kay BBM maging president
BUKOD sa pag-anunsyo ni Vice President Sara Duterte sa pagtakbo sa pagkapangulo sa susunod na eleksyon, humingi rin ito ng tawad sa publiko.
Sa kaniyang talumpati, humihingi ang bise presidente ng kapatawaran dahil kabiguan sa pagharap ng administrasyon sa bansa sa mga nakalipas na taon.
Ilan sa kaniyang nabanggit ang pagkalunod sa baha dulot ng malawakang korapsyon, pang-aabuso ng mga instistusyon para sa pansariling interes, pagtaas ng presyo ng bilihin at kawalan ng seguridad sa pagkain.
Bukod pa rito, humingi rin ang ikalawang pangulo ng kapatawaran sa pagtulong na naging daan umano para sa pagkakahalal kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Samantala, sinabi rin ng bise presidente na hindi siya natatakot sa kabila ng na pagsira ng kaniyang pangalan.
Pero, aniya ang kaniyang ikinakatakot na balang araw na wala nang bansang Pilipinas ang maibibigay sa hinaharap dahil sa patuloy umanong paglugmok sa kahirapan.
Sa huli, sinabi ni VP Sara na handa niyang ialay ang kaniyang sarili sa pagseserbisyo para sa bansa.