Advertisers

Advertisers

Ivana ini-stalk ng fan

0 16

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Sa vlog ng vlogger na si Small Laude , naibahagi ni Ivana Alawi ang hindi niya makakalimutang karanasan sa mga fan.

Aniya, priceless daw ang kanyang happiness kapag napapasaya niya o napapangiti ang kanyang mga tagahanga.

Gayunpaman , kung may memorable experience, meron din daw siyang weird o nakakatakot na kararanasan sa isang faney.

Kuwento niya, may isa raw fan na pumasok sa kanilang bahay at ini-stalk siya.

Katunayan , nagpasa pa nga raw ito ng 10-page resume para mag-apply bilang boyfriend niya.

Ang siste, hindi pa raw nakuntento ito dahil bumalik pa ito after one week sa kanilang bahay.

Nagdala pa nga raw ito ng bulalo na nakalagay sa isang box o container ng ice cream bilang regalo sa kanya.

Nagpakilala pa nga raw ito bilang boyfriend niya sa kanilang guard.

Sa tunay na buhay daw ay hindi pa raw naman niya name-meet nang harapan ang nabanggit na stalker.

Sa pagkakaalam daw niya ay isa itong call center agent.

Bilang pag-iingat din, pag nagvlo-vlog daw siya ay never na siyang idini-display ng gate ng kanilang bahay.

Sa nasabing tsikahan, tinuruan din ng sexy actress at YouTuber ang sosyale at ultra rich vlogger na si Small Laude na maglinis, magluto at maglaba.