Advertisers

Advertisers

‘GIYERA NA’

0 2,666

Advertisers

NAGBITAW g pahayag ang pambato ng mga mangmang sa kaTimugan na papalaot sa halalan sa panguluhan ’28. Maaga ang pahayag na tila may inaabangan na ibig ilihis ang interes ng bayan sa lalabas na usapin at mag-mukhang pinagkakaisahan. Walang lalim ang pagpapahayag na karaniwang galaw ng sino mang naging abalang pangulo ng bansa. Sa pagpapahayag, nabigyan ng atensyon sa media’t social media subalit ‘di masiguro na gagapang ng pangmatagalan ang layon na ilayo sa usaping kinakaharap, ang pagpapasipa sa abalang pangulo sa salang pandarambong ng salaping bayan. Paraan o taktika ang nag-iisang dahilan na silip ni Mang Juan at ng bayan sa galawan o pahayag ng ganap na maitali ang pamahalaan na ituloy ang pagpapasipa. At sa kabilang banda, magtuloy tuloy ang ingay na magdadala sa mangmang ng kaTimugan sa ’28.

Sa totoo lang, hindi kagulat gulat ang pahayag ni Inday Salakay sa kabang bayan sa likod ng pagiging abala sa pagaasikaso sa usapin ng ama na nakapiit sa The Hague sa usapin ng EJK. Ang pagbababad sa malayong lupain ang paraan upang mailayo ang sarili sa usapin na dapat harapin at sagutin. Ang milyon- milyong pisong kaperahang nilustay mula sa dating pinamunuang kagawaran at ang P125M na nilustay sa loob ng 11 araw sa opisinang kasalukuyang tangan, ang opisina ng abalang pangulo. Takbo o galaw ni Inday Salakay, malinaw na tinatakbuhan ang usapin at pilit na nililiko ang usapin sa pamamagitan ng bayarang trolls sa social media na wala kunong basehan ang mga usaping kinahaharap at pawang paninira. Ang pag-iwas sa usapin na ‘di maipaliwanag ang dahilan sa pagbalik ng pagpapasiba. Sa kasabihan, ang walang sala’y walang iniwasan at katotohanan ang magpapalaya.

Sa ginagawang pag-iwas, walang maisip na dahilan si Mang Juan, may tungtungan ang usapin ni Inday Salakay sa isyu pondo sa bayan. Sa kagalingan, nahalukay ang ibang anomalya sa Lunsod na pinamunuan. Silip na sa bawat taon ng pamumuno sa Lunsod ng Dabaw, bilyon- bilyong piso ang ‘di matuos kung saan dumako. At sa totoo lang, umabot sa mahigit na P6B ang ‘di mabatid kung saan dumako. Hindi pa usapin ang ‘di masilip na P51B inilaan ng pamahalaan sa kapatid na kinatawang bayan ng Lunsod ng Dabaw sa panahon ng amang hari ng EJK.

Ang mga usapin sa ibabaw ang ilan sa mga usapin na lantaran ang kabatiran ng bayan na hindi matugunan ng abalang pangulo ngunit itinatanggi na walang batayan. Ang larong Dabaw ang tugon ni Inday Salakay sa mga nag-usisa sa panahon ng QUADCOM, pabalang, palaban ngunit ‘di mapatunayan ang kawalang kasalanan. Ang pagiging arogante sa mga tanong at tugunang mataas sa mga umuusisa ang tindig na ganap na nakakadismaya. Sa pagtakbo ng panahon, na isantabi ang usapin ng magpasya ang Korte Suprema na sala ang pagpapasipa sa abalang pangulo sa dahilan sa panahon ng paghahain at ‘di sa laman ng inihaing usapin. Sa banggit na dahilan, muling mamalas si Inday Salakay sa kabang bayan sa bansa.

Sa espasyong ibinigay ng Korte Suprema, hindi nagdalawang isip ang abalang pangulo ng panahon na upang itabla ang kilos ng pamahalaan, nagpahayag ng pagtakbo sa panguluhan sa ’28. Sa pahayag ng pagtakbo sa panguluhan sa ‘28, nagitla ang liderato sa pamahalaan at ‘di nakakibo na tila natirador na ibong pipit. At nangailangan ng madaliang pagpupulong upang sanggain ang pahayag at makapa ang tamang itutugon. At sa totoo lang, tila larong dama ang kaganapan na umabot sa dulo at piyesa naging dama. Nagkabuhay at nabigyan ng bagong lakas upang makatakbo ng ‘di iisang lundag. Ang masakit tila na makahulagpos sa pagkatalo sa laro ang abalang pangulo at kailangang pag-isipan kung paano masisilo. Malinaw na kailangan ng ilang piyesa na ibibigay sa ganid na si Inday Salakay upang masilo.

Sa totoo lang, maselan ang pahayag ni Inday Salakay sa kabang bayan na dapat himayin ng ‘di sumala sa hakbang na gagawin higit sa pagpapanagot sa usapin. Sa totoo lang, sadyang inunahan ng abalang pangulo ang napipintong pagpapasipa at mapinturahan ang bawat galaw ng administrasyon laban sa kanya’y pawang pamumulitika. Sa bagal ng administrasyon ni Jun Singhot, ang maigsing daan sa pagpapanagot kay Inday Salakay ay humaba at kinailangan na maging pino sa bawat hakbang ng ‘di maging masakit sa mata ng bayan. Ang salang gawa sa mga susunod na panahon ang magbibigay daan kay Inday Salakay na tuwirang makatakbo sa halalan sa panguluhan sa ’28. Subalit, umaasa na ‘di magpapabaya ang pamahalaan higit silip ni Inday ang salang galawan higit sa paglalaan ng pondo sa walang programa. Mag-isip-isip at huwag bigyan ng dahilan si Inday Salakay na mabalikan kayo.

Mabalasik si Inday Salakay sa kabang bayan higit sa naranasang pang-aapi sa pamilya higit sa amang nasa oblo sa The Hague. Walang hindi gagalawing bato ang mangmang ng kaTimugan sakaling makabalik sa poder. Payak ang layon sakaling makabalik sa pwesto, ang panagutin ang may sala sa pamilya at ang may sala sa bayan. Mapagtanim ang lahi ng kaTimugan higit ng galit sa sino mang ‘di kakampi sa panahon na may hamon sa pamilya. Ang pagpapahayag ng paglahok sa halalan sa panguluhan sa ’28, ang deklarasyon ng giyera sa sino mang grupo o indibidwal na lumayo sa kaTimugan. Ang makabalik at balikan ang mga nang-api ang ibig at ‘di ang serbisyo sa bayan o ang kagalingan pambayan.

Malayo pa ang halalan, subalit ang deklarasyon sa pagtakbo sa ’28 ay pahayag ng giyera. Walang kagatul – gatol ang pahayag ng abalang pangulo na ikinagulat ng pamahalaan dahil sa aga ngunit ‘di ng bayan. Sa pagkakagulat, ganap na tanggap ang hamon at umasa na ‘di tatantanan o titigil si Inday Salakay sa mga usaping dapat harapin. Giyera ang ibig, giyera ang tugon at sisiguruhin na mananagot ang may sala sa bayan. Ang pagpapasipa at sa dulo, ang pagsasampa ng kasong kriminal ang haharapin ng unang naghamon . Sa pahayag ng pagtakbo, nagsunog ng tulay ang maduduhagi sa laban na sa rason na‘di napag-isipan ng may kahusayan. Ganap na mangmang ang kaisipan at ‘di pang pamunuan.

Maraming Salamat po!!!!