Rehabilitation Center for PNP retired cops — another One of First Best Practices of the national police
Advertisers
My first visit since my optional retirement from the PNP Criminal Investigation and Detection Group in December 2005 last Thursday was bit of a personal homecoming to my so-called second home where I spent 35 years — almost 20 years at CIDG and the other 15 years at the Constabulary Adjutant General’s Office, the PIO, the Constabulary Anti-Narcotics Unit, the Office for Civil Relations, the Police Community Relations Group, the Operations Division, (C3) and the PNP Maritime Command.
Roundedly, I had the honor of working with the best Chief PC, the Chief of the PC/INP and later on the Chief PNP—some of whom were my bosses at the PC CIS and later on PNP CIDG.
Maraming akong natutunan sa kanila — dating BG Fidel V Ramos, MG Ramon Montano, General Art Lomibao, General Oscar Calderon, General Jesus Verzosa, General Everlino P Nartatez, Genal Romeo Acop, General Efren Q Fernandez, General Ed Matillano, General Lucas Managuelod at marami pang distinguished at illustrious gentlemen officers na nanggaling sa walang kaparis na national operating unit na dati’y PC Criminal Investigation Service at nuong kalunan ay naging PNP Criminal Investigation and Detection Group— nang lisanin ko ang world famous Camp Crame dahil sa People’s Revolution ng 1986.
Natutuwa ako at nakahuntahan ko si Police Major General Westrimundo “Wendy” Obinque at Ibinahagi niya ang mga bagong initiatives ng pamunuan ni PDG Jose Melencio Nartatez — isa na rito ang pagkakasatuparan ng isang Rehabilitation Center for retired PNP cops — isang patunay na kahit na retirado na ang isang pulis ang Camp Crame ay nakahanda pa ring tumupad sa kanyang sinimulang health and wellness program para sa kanila.
Sinabi ni MG Obinque, na mas kilala namin nuong panahon sa CIDG sa katawagan Obinx o Wendy, na ang hakbang na ito ng PNP ay matamang tinitukan ni PDG “Jojo” Nartatez (aking katawagan kay PNP Chief mula pa nuong siya’y understudy ng kanyang uncle Verly (PCS Everlino Nartatez bilang CIDG Director) sa CIDG kung saan ang opisina ko na PIO ng CIDG, ay isang plywood lang ang pagitan sa CIDG Director’s Office. Maaga kaming nagkikita sa CIDG ni
“Jojo” o “Tateng” araw-araw at bilang ako ang unang persona na nakikita niya, nakapagtatanong din siya sa akin ng mga bagay-bagay tungkol sa CIDG. Para naman magkaroon din siya ng overview sa vision at mission ng aming unit na pinamumunuan nga nuong late 80s ng kanyang uncle Verly (PCSupt Everlino P Nartatez) iminumungkahi ko sa kanya na magbasa ng mga communication for signature/approval ng aming boss.
Ngayo’t siya na ang may hawak ng timon ng Pambansang Pulisya nakitaan ko si General Tateng ng kakaibang insight o perspective — ito na nga ang morale and welfare of the people in uniform who serve and protect at the cost of dear life the people of the Philippines — which he swore to give all his best!
Ngayon ang PNP Directorate for Health Service na siyang nangangasiwa at nangangalaga ng health at well being ng mga pulis ang siyang nangunguna sa Best Practice na ito sa loob ng Camp Crame…dagdag pa ni MG Wendy Obinque na isusunod na rin sa madaling panahon ang isa pang rehab at wellness center sa PNPA na ika niya ay pilit na inihahanap ni Nartatez ng solusyong mapondohan ang humigit kumulang na apat na milyong piso na ipambibili ng traction machine at T-CAR para sa shock therapy ng mga kasu-kasuan at mga butong may pinsala na nakuha ng mga pulis sa kanilang paninilbihan sa PNP sa halos kabuuan ng kanilang buhay.
Maganda ang bisita ko sa tinatawag kong “second home” — na sa darating na 21-25 February ay mananariwang muli ang aking pagiging isang kawal-sibilyan na nagtanggol din para sa kasarinlan na ating sinasariwang People’s Revolution of 1986.